Prologue

45 1 0
                                    

Nasa park ngayon si shane at ang mommy niya dahil nag-aya siyang pumunta dito, nakaupo lang sila sa bench habang kumakain ng UBE ice cream. "Baby naiihi na si mommy magc-cr muna ako ah?" Sabi ng mommy purple niya. Tumango lang siya at naghintay para sa kanyang mommy nang biglang may tumabi sa kanyang lalaki na mga nasa mid 30's na at nagtanong "Gusto mo ng chocolate bata?" Hindi yun pinansin ni shane kasi sabi daw ng mommy niya don't talk to strangers and never accept anything from them. Nainis naman yung lalaki kaya dadamputin niya na sana ang bata pero may nahagip siyang babaeng nakatitig ng matalim sa kanya at yun nga ang babaeng hinahanap nila ilang taon na ang nakalipas kumaripas agad siya ng takbo dahil sa takot na patayin siya ni purple mas lalo pang mag-isa lang siya. Agad inuwi ni purple ang anak niyang si shane at kinausap itong wag nang isipin pa ang lalaking iyon at mag iingat siya palagi kahit anong mangyari. Inayos na ni purple ang mga damit at gamit ng anak niya dahil sa kaibigan niyang si mark muna ito tutuloy dahil may aasikasuhin pa siya tungkol sa nangyari kanina. At sisiguraduhin niyang walang makakaalam tungkol sa anak niyang si shane dahil mapapahamak lang ito kung malaman ng mga kalaban nila na anak niya si shane. Agad na siyang nagbihis at pinuntahan na ang anak niya.

"Mommy bakit palagi kayong naka purple?" Tanong nang batang si shane sa kanyang mommy na kasalukuyang naka all purple outfit simula ulo hanggang paa. "Kasi baby favorite color ni mommy ang purple atsaka may pupuntahan tayo ngayon" sabi ng mommy ni shane. "Saan po tayo pupunta mommy?" Takang tanong ni shane. "Wag nang matanong b-baby ah? May importante k-kasi akong lakad, kaya mag bihis ka na baby" napipiyok na sabi ng mommy ni shane. Tumango lang si shane at nagbihis na sa kabila nang pagiging curious niya sa kanyang ina. Umalis na sila sa kanilang bahay papuntang bahay nila tito Mark niya upang ihabilin siya dito. Natuwa naman si shane kasi si tito mark niya lang ang ka close niya sa lahat ng mga tito niya at nang huminto na ang kotseng sinasakyan nila ay agad siyang tumakbo papunta sa tito niya na nakaabang na sa harap ng gate ng bahay at yumakap sa bewang nito. Bumaba na ang mommy niya sa kotseng sinakyan nila at naglakad patungo sa kanilang malungkot pero pilit na ngumi-ngiti para hindi magtanong ang anak niya nang makarating pinaglaro muna nila si shane sa mga maids ng tito mark niya habang seryosong nag-uusap si mommy at tito mark niya.

"Mark andito na sila, nahanap na nila si shane, sayo nalang muna siya titira habang inaayos ko pa ang mga dapat asikasuhin, ingatan mo siya mark at kung hindi man ako bumalik ngayon o kahit hindi na ako makabalik pa ipangako mo sakin na ituturing mo siyang sariling anak at palalakihin mo siyang maayos at handa para sa mga darating na pagsubok sa kanyang buhay" naiiyak na sabi ni purple kay mark, agad naman siyang niyakap ni mark para patahanin siya "oo pinapangako ko iyan maine" sabi ni mark kay purple, oo maine ang tawag niya dahil second name yun ni purple at siya lang ang tumatawag sa kanya nun.

Kinausap na ni purple si shane at "baby I love you, tandaan mo yan ah? Love na love ka ni mommy. Baby aaalis muna si mommy, hindi ko pa alam kung kailan ako babalik pero sigurado ako na sa pagbalik kong iyon ay okay na ang lahat. Dito ka muna kay tito mark mo ah? Wag makulit at pasaway sige baby I love you bye" umiiyak na sabi ni purple sa anak niyang umiiyak narin. "Opo mommy, hindi po ako magiging pasaway at makulit at hihintayin po kita mommy hanggang sa bumalik ka I love you too mommy!" Nagyakapan na ang mag ina sa huling pagkakataon at umalis na si purple para tapusin ang kanyang misyon.

Author's Note:

Isa po itong Adventure/Teen fiction na story at fiction lang po ang names, places, etc.

Pasensya po kung sabaw first on-going story ko po ito eh :) sge enjoy reading!

Vote.Comment.Follow

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lady in PurpleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon