CHAPTER 4: MORE ABOUT ONEAL DIZON
Tapos na ang klase. Apat na klase lang kada araw at sa kasamaang palad, kaklase niya all the way si Enzo. Pero nandiyan rin naman si Oneal kaso first class at last class lang sila pwedeng magkita.
"Amanda, gusto mong sumabay pauwi?" tanong ni Oneal.
"Ammmm. Wag na isang sakay lang naman ako e." tanggi nito.
"Sus! Nahihiya ka lang sakin e. Sabay ka na sakin ayaw mo yun mas makikilala mo pa ako." sabi nito sabay kindat kay Amanda at hablot ng bag nito, feel pa rin kasi nya yung kulitan nila ni Amanda before class.
"Osige na nga. Makakatanggi pa ba ako eh dala mo na yung bag ko, nakakahiya naman sayo." sabi nito.
Naglakad silang dalawa palabas ng school para sa mahaba-habang kwentuhan.
"Maya-maya na tayo umuwi, meryenda muna tayo." alok ni Oneal kay Amanda pero aakmang tatanggi si Amanda dahil wala na itong baon ngunit nabigla sya nung hinawakan sya ni Oneal sa kamay at hinablot papunta sa isang fishball stall. Sa isip-isip ni Amanda..."Sakto may 5 pesos pa ako!"
"Oh eto treat ko yan!" napasakamay nya ang isang cup ng fishball at kikyam at isang baso ng palamig.
"Salamat! Di ko alam na ganito ka lang pala kasimple, natakot yung budget ko sayo kanina kasi di naman halata sa itsura mo na dito at gantong mga pagkain ang kinakain mo."
"Aaaaay! Sorry sa mga fastfood mo yata gustong magmeryenda." natawa naman si Amanda sa sinabi ni Oneal.
"Hahaha. Ano ka ba! Mahirap lang kaya ako noh. Di ko nga rin alam na kalevel lang pala kita hindi naman kasi halata sa itsura mo na mahirap ka. Anyway pan ka nakapasok sa magandang school na to? Scholar karin ba? Ang hirap talaga kapag mahirap ka noh? Kagaya nat-----"
Hindi natapos ni Amanda ang sinasabi nya dahil "Sir Oneal hinahantay na po kayo ng driver nyo." Nagulat si Amanda dahil may lumapit sa kanila na matandang babae na naka-uniform ng pang-katulong.
"Sige Manang Marcela susunod nalang po ako hintayin nyo na lang po kami sa parking lot." sabi nito.
"Kami?" mabilis na sabi ng yaya ni Oneal.
"Opo kami." sabay turo kay Amanda.
"Sige hintayin ko na lang kayo." sabi ni Manang Marcela sabay ngiti sa binata at binalikan din ito ng ngiti ni Oneal na tila nag-uusap ang mga ito na hindi maunawaan ni Amanda.
Pagkalingon ni Oneal kay Amanda ay mistulang naghang ang mukha nito mula sa pagkakagulat.
"Oh! Anong nagyari sa iyo?" tanong ni Oneal kay Amanda.
"Aaaah.... kasi ano eh! Ano.." sabay kamot ni Amanda sa ulo nya.
"Hahaha. Ano? Ituloy mo kaya yung sasabihin mo para magkaintindihan tayo."
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...