Chapter 5: Stuck with the Heartthrob

73 9 0
                                    

CHAPTER 5: STUCK WITH THE HEARTTHROB

"Nakita mo ba sya?" Sabi ng lalaking naka-uniform na pang-Yverdon Academy

"Hindi pa nga e, kanina ko pa po inaabangan, boss. " Sagot naman ng kalbong naka-itim na barong.

"Bwiset talaga! Kapag nakita ko talaga 'yang lalaking yan hindi na ako magdadalawang isip na mapasakamay ko sya!" uy. Gali na siya. Di ko alam na magiging interesado ako sa pinakikinggan ko. Hahaha.

"Teka boss, anong plano mo dun sa karibal mo? Papatayin agad natin? Hindi ba mas maganda kung papahirapan muna natin sya?"

"Mukhang tama ka. Basta dito ka mag-abang dun ako sa entrance para sure na hindi makakalusot. Humanda siya sa akin. Kahit na artista pa siya. Siguraduhin mong hindi malalaman ito ni Andrea. Humanda ka sakin Enzo Thomson." That hit me. Bakit si Enzo na naman?

Kinutuban ako agad ng hindi maganda.

Hay! Bakit ko ba papansinin yun, bahala syang mabugbog kasalanan naman nya e.

Kasalanan? Pero paano? Yung mga malalanding babae pala ang humahabol-habol sa kanya.

 Nakoooo! Mr. Handsome is in trouble? Hindi kaya ng konsensya ko na hindi sya warningang sa lahat ng narinig ko sa mga nagtatangka sa buhay nya. Basta Amanda last na ito ha?

Dumating na ang kotse ni Enzo, ang teen heartthrob ng Pilipinas.

Nagkagulo na ang mga babae pero bago pa man makababa si Enzo ay naglakas loob na akong lapitan ang kotse niya. Di na ko nakapag-isip ng matino, walang haharang sakin. “Tumabi kayo! Kailanan ako ni Enzo.” And the girls were like “Eh? 0.o”

Pumasok na ako sa kotse ni Enzo at sinarado ang pinto.

"Te-teka! Anong ginagawa mo?" tanong ni enzo.

"Hindi ko rin alam ang ginagawa ko kaya pwede wag ka magtanong? Please lang."

Natawa si enzo, tawa ng tawa. "Hahahahaha! Ganyan ba kayo ka patay na patay sakin? Bigla bigla ka na lang papasok sa kotse ko?...." tinakpan ni amanda ang bibig ni enzo.

"Please! tama na. Kung ganyan ang iniisip mo bahala ka. Basta nandito ako kasi you're in trouble at nandito ako para sabihin yun sayo." tinanggal ni enzo ang kamay nito at tinaggal sa bibig nya.

"Trouble? Ako?"

"Alam mo hindi ka lang gwapo e bingi ka din."

"Aba! Ah bumaba ka na sa kotse ko. NOW!"

"hindi pwede! Winarningan kita tapos ako naman ang ilalagay mo sa bingit ng kamatayan? Kung bababa ako ngayon at dito mismo, aba! makonsensya ka naman. Tiganan mo ngang mabuti may mga babae sa labas na galit na galit nasaakin ngayon dahil dito pagmasdan mong mabuti mapapatay nila ako kapag bumaba ako dito. And FYI hindi ko gugustuhin na malagay sa sitwasyon na ito kung hindi totoo ang sinasabi ko sayo." sunod-sunod na sabi ni amanda.

Kissed by My IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon