CHAPTER 6: JEALOUS BOYFRIEND
Pagpasok sa room. Matutulog na naman siya.
Anong problema neto? Napagod? Tss! *kalabit *kalabit "Oy! Oy! Ano? pagnagpapacute buhay na buhay, kapag sa klase antok na antok? Gumising ka nga dyan! Wag mong gawing unan bag ko." Koti nalang bibigay na yung bag kong 3 years ko nang gamit, ginawa pang unan?
"Ano ba? Wag ka nga makulit puyat ako ok, ang hirap kayang magtrabaho."
"Aba! Kasalanan ko pa? Ibigay mo na din yang bag ko wag mo nang gawing unan. May kukunin akooooo! Kapag di ka umayos ng upo tignan mo sisigaw ako dito at sasabihin kong gumising ka."
"Bahala ka ikaw naman ang mapapahiya eh. zzzzz" Nagsasalita lang siya habang nakapikit.
"Ok lang sanay naman na akong napapahiya eh parang hindi ko naman yun naranasan kanina. Kapag bilang kong tatlo tignan mo lang."
"Bahala ka."
"Isa....dalawa....dalawa't kalahati....Enzo ano ba?!"
"Hmmmmmm."
"Hindi ka talaga aayos ha! Tatlo. ENZOOOOOOOO THOMSOOOOOOOON! GUMISING KAAAAAAA! WAG KANG NA TUTULOOOOOOOOG! MAHIYA KA NAMAAAAAAAAN!" Hindi ko pa man naisasara ang bibig ko mula sa pagkakasigaw lalo itong lumaki nang....
"What's all the fuss about? Miss Amanda Delos Reyes, wag mong dinadala yung pagiging palengkera mo dito. Nakakahiya ka!" Biglang pasok naman nitong si Hazel. Nakngtokwa! Bakit nandito siya? Di naman siya kaklase ah? Baka nga galing pa yan sa last section.
“Good Mor—“ Dumating na si Ma’am G. Nagtaka rin siya kay Hazel. “What are you doing here Ms. Fuertes?”
“Noting Ma’am I’m just checking my friend.” Napalinga-linga ang mga estudyante. Hinahanap kung may kaibigan ba siya sa paligid. Hm. Looks like, wala namang maarte sa rom eh.
“Hhm? Who?”
“Of course, si Enzo po. After all, iisa lang naman po kami ng agency eh. Well, I gotta go.” Lumabas siya ng room. Wala man lang good bye Ma’am? Maldita talaga.
So magkaibigan pala sila ni Enzo? Bakit hindi halata?
Matapos ang unang subject, na tulog lang si Enzo, break time na. Pumunta na kami ni Enzo sa cafeteria.
"Hoy Amanda na praning ka na? Kanina ka pa walang imik dyan eh. Hoy!" Kinumpas-kumpas niya pa yung kamay niya sa may mukha ko.
"tigilan mo nga, wala akong imik pero di ako tulala!”
"Eh ano nga kasi nangyayari sayo? Umayos ka kaya mukha kang praning nakakahiya na oh! Pinagtiisan na nga lang kitang samahan dito kumain eh!"
"Wow naman. Ang sabihin mo may kailangan ka lang sakin. Tara umupo na nga tayo..." at umupo na nga kami sa may dulo sa pwestong hindi kami makikita ng maraming tao. "....kamusta na nga pala yung boyfriend ng Andrea na patay na patay sayo nagparamdam na ba? Humingi ka nalang kaya ng tulong sa iba. NBI, PNP, Philippine Navy or sa Philippine Airforce for sure protektadong protektedo ka dun." Sabay sipsip sa juice.
"Ang OA mo naman talaga. Hahahahaha!" Ang babaw naman ng kaligayahan mo.
"O mas maganda lapit ka nalang sa network mo hindi ka naman nyan pababayaan."
"Tsk. Ayoko nga! Gusto ko ngang mabuhay ng normal eh. Ang Yverdon Academy na nga lang pag-asa ko para maging normal na teenager. Susubukan ko kung kaya ko ba 'tong lusutan na wala sila. Atsaka, napakasimpleng bagay nito. Ni yung Andreang sinasabi mo nga ay hindi ko kilala eh." Sumubo na agad siya sa carbonara.
Inirapan ko lang siya. Hanggang ngayon nagtataray parin ako kay Enzo. Defense mechanism ko siguro ito laban sa mga pa-fall na gaya ni Enzo. “Ang dra— Pst hoy enzo! Alis na tayo dito bilis!" Pabulong pero taranta kong sabi sa kanya.
"Huh? Bakit? Hindi pa nga ako tapos sa kinakain ko eh."
"Tara na kasi. Yan mapapalitan pa makakakain ka pa nyan ng mas marami pa dyan kung mabubuhay pa tayo sa panahong ito kung hindi ka pa tatayo dyan."
"Huh? Hindi kita maintindihan." Kinakabahan na ako. Ayokong may mangyari sa kanya na ako lang ang witness. Baka kasi ako pagbintangan. Ayoko talaga ng mga eksenang kidnap chuchu.
"Haist. ANG BOBO MO TALAGA! ANG SABI KO TUMAYO KA NA DYAN KASI NANDITO KASI YUNG BOYFRIEND NI ANDREA YUNG LALAKING HUMA-HUNTING SAYO! OH ANO ENZO THOMSON NAINTINDIHAN MO NA BA?" Geez, nakuha ko pala yungatensyon ng lahat. Napalingon rin yung lalaki kasama ng mga kalbo niyang kampon.
"ENZO THOMSON!"
BINABASA MO ANG
Kissed by My Idol
Teen Fiction"Yung idol mo na hinalikan ka? Naku! Itulog mo lang yan, baka magkatotoo pa." Yun siguro ang sasabihin ng marami kapag kinuwento ko na hinalikan ako ng Idol ko. Pero paano kung too nga! Sige, Let's say, naniniwala ka na. Pero paano kung nainlove rin...