NOTE: Nakakatmad :D next to be posted next. enedew?
--------------------------------------------------------------------------
Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Migo. Akala mo kung sinong butiking nakaplanking sa sahig at ang malala, wala syang damit aside from the towel that covers his lower body na pahapyaw na napigtal sa pagkakatali sa bewang nito.
"E-eri"
Doon lang ulit ako bumalik sa ulirat ko at tinuro ko pa ang sarili ko na parang sinasabing 'ako ba yung kinakausap mo?' Na obvious na obvious naman na ako. Haler ako lang kaya tao dito maliban sa kanya.
"Hanggang kelan mo ba paglalawayan yung katawan ko?" Agad naman akong napaungos kahanginan ng lalaking to. And why am I even staring at him? no I'm staring at his face not on the you know part. Kadiri kaya!
"Asa ka pa! Walang camera ba't ka nakapose dyan?" Oo mukha syang naeendorse ng basahan sa sahig.
"Bakit di mo na lang kaya muna ako tulungang makatayo bago ka magtanong?"
"Ayusin mo muna yang nakataklob sayo. Mamaya hindi ako makatulog dahil dyan"
"Baka magsisi ka pag di mo nakita to" at ngumisi pa ito na napakamanyak. Gaaah ang yabang talaga sarap tusukin ng kable ng kuryente sa intestine“Ayusin mo na bilis!” utos ko dito. Tumalikod naman ako baka isipin nya talagang pinagnanasahan ko yung panget nyang katawan. Assuming pa naman tong panget na to.
“Ok na”
Humarap na ko dito. Yumuko ako para alalayan sya kaso parang mabbali ang buto buto ko sa bigat nya. Sana nasabihan muna akong uminom ng anline bago ako pumunta dito. Nagpapabigat pa ata ito dahil talagang nahahatak ako pababa.
“Pwede ba Migo gaanan mo naman yung sarili mo”
“Mukha ba kong nagpapabigat? Sadyang payat ka lang kaya di mo ko mabuhat. Kain kain din kasi ng damo pagmaytime” Inungusan ko naman sya at mabuti’t maayos ko syang napakapit sa blikat ko.
“So sinasabi mo bang kumakain ka ng damo kaya pala mukha ka ng kambing”
“No, I only recommend grass for you. Exception ako dun tao ako eh” Sakto namang nasa kwarto nya na kami non kaya agad ko syang binitawan at nagbounce pa sya sa higaan nya. BUTI NGA SA KANYA!
“Aray Eri masakit yon!”
“Oh? Talaga? Parang di naman”
“Alam mo ikaw wala kang konsiderasyon alam mo namang disabled yung tao eh”
“Partial lang yan gagaling ka din kaya habang ganyan ka pa sasagarin ko na” Napatingin naman ako sa relo na nasa kwarto nito. At shipness na kalabaw halos magaalas dose na pala. “Uuwi na ko wala naman palang masamang nangyari sayo”
“Ang blis mo ngang dumating eh at hindi hlatang nagmadali ka Eri” sabay tingin sakin mula ulo hanggang paa. Napatigil naman ang tingin nya sa dibdib ko at ang walanghiya napakamanyak talaga! Agad ko yung tinakpan.