HIGHSCHOOL simula nung nakilala ko siya at nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa.Ang babaeng nagpatibok ng aking puso,Ang babaeng nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal at ang babaeng minahal ko ng totoo.Siya si ABIGAIL PEREZ...ang babaeng pangarap ko.Siya yung kasama ko sa lahat ng bagay iisang babaeng pinakikilala ko sa buong pamilya ko at siya rin ang babaeng kasama kong mangarap.Pinalalakas niya ang loob ko sa lahat ng bagay.
Naranasan ko sa kanya ang lahat .Dahil siya ang pinaka mamahal ko.Nagbago ako para sa kanya inalis ko ang mga bagay na hindi naman kailangan sobrang mahal ko talaga siya.Sinusuportahan ko siya at sinusuportahan niya rin ako sa lahat ng desisyon ko.
JUNIOR PROM siya lang ang babaeng first and last dance ko.Habang sumasayaw kami at sumasabay sa kanta.Sinabi ko sa kanya na napakaswerte ko kasi sa dinami dami ng babaeng nakikilala ko ikaw lang yung nakapag patibok ng puso ko.Sobra akong nainlove sa ugali at pagmamahal niya sa akin.Akal ko hindi mangyayari na sumayaw kami sa harap ng maraming tao at ikaw ng taong nasa harap ko at kapartner ko.Habang nakahawak ako sa bewang mo ay bumibilis ang tibok ng puso ko.Sana hindi ito yung huling gabi na maisasayaw ka.At kung may isang pang pagkakataon na maisayaw kita,ay may suot na tayong kaparehas na singsing sa harap ng pamilya natin.Sa araw na idinugtong ng panginoon ang apelyedo ko sa pangalan mo tayong dalawa na ay mag asawa.
Hindi ko akalain na mapapasakin ka, kase ako lang naman si KHIANNE hindi gwapo,hindi masyadong mabait at lalakeng may pangarap lang.Nakilala mo ako na,seryoso lang naman ako sa pangarap ko at alam mo kung anong gusto kong maging.Sinusuportahan mo ako sa lahat kahit minsan alam mong hindi ako kagalingan sa mga bagay na kina iinteresan ko.Kilalang kilala mo ako at ikaw lang yung taong nakaka alam ng buhay ko dahil sayo lang ako nagkukwento ng sama ng loob ko sa ibang tao at sa sarili ko
LUNETA PARK eto yung madalas nating puntahan.Eto yung lugar na kung saan tayo lagi nagkakasama.Pinapangarap natin na sana parehas tayo ng school na papasukan para magkasama tayo.Nagtake kami ng entrance exam sa ilang university ng maynila,sa kasamaang palad hindi kami nakapasa,pero tinanggap namin iyon at nag aral kami sa Valenzuela.Nagtake siya ng MANAGEMENT at ako naman ay ENGINEERING.Alam niya na itong course na ito ang gustong gusto ko.
COLLEGE dito na maraming tukso,maraming alak o bisyo na pwede kong matutunan.Pero hindi ako nagpatalo sa bisyo kase dahil sa taong mahal ko,once na nagbisyo ako para ko na ring sinira ang pangara ko dahil nangako ako sa kanya.Nagtatrabaho siya habang nag aaral at ako naman tinututukan ko lang ang pag aaral ko.
ANNIVERSARY namin kumain lang naman kami sa labas at efforts lang ng kaunti.Hindi ko akalain na magtatagal kaming dalawa at magiging matibay pa kami.Sa kanaya na umiikot ang mundo ko at habang tumatagal nagiging komportable na kami sa isat isa.Habang kumakain kami sabi ko sa sarili ko magbabago din ang lahat ng ito Hintayin mo lang na matupad ko ang pangarap ko ibibigay ko lahat ng gusto mo.
INTERSHIP ko na,ilang buwan na lang gragraduate na ako.Focus na lang ako sa ojt ko at pag aaral ko.At isang buwan na lang gragrafuate na rin siya,naging inspirasyon ko siya sa mga pangarap ko.Napakasipag niya sa lahat.Malayo siya sa akin kaya focus na lang muna ako sa pangarap ko para sa kanya.Gusto ko kasama ko siya sa hirap at pagabot ng pangarap ko.Marami na akong plano para sa aming dalawa.Palagi ko siyang iniisip at may tiwala naman ako sa kanya na hindi niya ako iiwan at hindi niya ako ipagpapalit sa kahit kanino.
ISANG GABI ako ay nanaginip,mayroong nagsend sa akin ng mga photos na may kasama na siyang iba.Hindi ko ito sinabi sa kanya dahil alam ko namang hindi niya magagawa sa akin iyon.Kaya inisip ko na lang na siguro pagsubok lamang iyon para sa aming dalawa.Habang nagtratraining ako naghihina ako dahil naiisip ko parin yung panaginip ko.Hindi ako pwedeng sumuko dahil para ito sa pangarap namin.Mahal na mahal ko talaga siya hindi ko kaya na mawala pa siya sa akin.
Napapalapit na ang kanyang graduation.Lalo akong kinakabahan at nasasaktan kapag naaalala ko yung panaginip ko.Kinausap ko siya,mahal na mahal kita kahit alam kong hindi ko maibigay ang lahat.Mahal na mahal kita kaya hindu ko sinira ang pangako ko sa magulang mo na hindi muna tayo mag aasawa.
KINABUKASAN ay gragraduate ka na.Eto na ang araw na pinakahihintay mo.Sabi ko hindi ako pwedeng mawala sa importanteng araw na ito.Napakaganda mo sa suot mo at masaya na ako na nakita kitang masaya.Nagpasalamat ako sa mga magulang mo at niyakap kita sabay sabing CONGRATS,wala na akong nasabi pang iba.
18th BIRTHDAY ko nilapitan mo ako sabay sabing HAPPY BITHDAY BHABY KO I LOVE YOU tapos niyakap mo ako nang napakahigpit feeling ko hinding hindi mo na talaga ako iiwan.Mahal na mahal talaga natin ang isat isa.
GRADUATION ko na at gaya ng sabi ko sa sarili ko hindi ka mawawala sa araw na ito.Masayang masaya ka dahil parehas nating natupad ang mga pangarap natin.Kami ay nagpakasal na dahil natupad na naman namin ang gusto namin sa buhay.
THE END
YOU ARE READING
MY ONE AND ONLY GIRL
RomanceIKAW LAMANG ANG MAMAHALIN KO NG TUNAY PANGAKO YAN. Paano na lamang kung ang sinabihan mo niyan ay yun pala ang makakasama mo habang buhay?Paano ang gagawin mong plano para sa pangarap niyo? Mahirap nang pakawalan yung babaeng bumuo sayo at tumulong...