Seth Kyrie
City of Pines, Baguio
Present Day
Ang lahat ay nagbabago, ganon din ang puso ko...
'Di alam kung paano aamin, kung dapat bang sabihin 'to...
---
Alam kong huli na, pero 'di ko kayang bumitaw...
Ika'y masasaktan, dahil pangako ko'y walang iwanan...
Alam kong huli na, alam kong hindi na nga mahal...
----
Hindi na nga...
---
"Tang ina din nitong banda ngayong gabi ano? Kanina pa sila parinig ng parinig porke't nandito ako" kinuha ko ang bote ng San Mig na nasa harapan ko at tinungga ito.
"Oooops, hinay hinay lang. Di pa masyadong magaling yang sugat mo. Actually di ka pa dapat umiinom ng alak eh, makakasama sayo yan" paalala ni Argus.
Umakyat pa talaga siya dito sa Baguio para samahan ako.
"Doctor rin ako Gus, alam ko ang makabubuti sa akin at tsaka katawan ko ito no. Alak na alak na ako, walang ganito dun sa Jordan. Ay tang inang Jordan na yan" uminom ulit ako.
"Yung lugar ba o yung tao?"
I raised my middle finger at him. "Ba't ka ba umuwi dito, diba may duty ka?"
"Lex took care of that"
"Anong kapalit?"
Nagkunot noo siya sa akin.
"Tapatin mo nga ako, nag-sex na ba kayo?"
"Ulol, pinagsasabi mo"
"Oo o hindi?"
"Hindi" mabilis nitong sagot. "Si Austin type nun, ginawa niya yung switching ng duty sched dahil sayo. Actually sasama siya dapat ang kaso nga lang may conference si Dr. Buenaluz. Lupit nung babaeng yun, kayang-kaya niyang utuin yung Chief Resident natin"
"Si King? Malamang, type din ng ugok na yun si Lex eh. Pakitaan lang ni Lex ng cleavage yun OO na agad"
Nagtawanan kami ni Argus.
"May yosi ka boi?" tanong ko sa kanya.
"Graduate na tayo diyan"
"Paisa naman oh"
"What do you mean paisa? Sa akin ba?"
Kinutusan ko lang siya. "Aray, yan ka nanaman Sky"
"Sige na, isang stick lang. Ngayon lang promise, birthday ko naman eh"
BINABASA MO ANG
One in a Million Chances (BoyxBoy)
RomanceIf you've given a one in a million chance to go back in the past, will you grab it? May mga bagay sa mundo na kailangang i let go. May mga bagay rin na kailangan mong kumapit. The cycle of life is waking up, letting go & holding on. Mahirap kalabani...