One Fateful Night

141 1 0
                                    

KeyCee : You know what Macky? I think I had Enough! Were done!

Kinuha ko lahat ng gamit ko tapos bumaba na ako sa kotse nitong hudas na ito. Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na kami naghiwalay nito sa tatlong taon namin together. Pero this time feeling ko eto na talaga to. Hinding hindi na kami magkakaayos. Tiniis ko mga sinasabi ng tao, ng pamilya ko. Umupa pa nga ako malapit sa kanila para lang mas madalas kaming maging magkasama. Pero nung malaman kong palihim pa din siyang nakikipag contact sa ex niyang haliparot, Ive decided na enough is enough.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Mckinley Hills. May bahay kasi dun yung pamilya ni Lia. Isa sa mga ka tropa ko sa office. May kaya sila. Mataas ang posisyon ng tatay niya sa kapulisan. At kaya lang siya nagtatrabaho kasi gusto niya. Ganun lang. Pagdating kina Lia dire diretso na akong pumasok sa gate. Wala naman kasing ibang tao dito. Tambayan lang namin madalas papel nitong bahay na to. Nadatnan ko siyang kumakain sa kusina. Humalik ako sa kanya sa pisngi at umupo sa tabi niya.

Lia : Ano hiwalay nanaman kayo? Tapos after isang linggo kayo ulit?

KeyCee : Hindi na kami magkakaayos. Tadong yun, hindi pa din pala tinitigilan yung malanding ex niyang si Dianne. Walang kuwenta.

Lia : So, ano plano mo? Dito ka na mag stay?

KeyCee : Oo. Dito na muna ako. Ayoko din umuwi sa bahay namin. Hindi lang ako papatahimikin dun sa kakatanong ng pamilya ko.

Lia : Tawagan mo sila Kayla Kizza at Liz. Sabihin mo dito na muna umuwi.

Isa pang pinagka pare parehas naming lima, lahat kami ayaw tumira sa mga sarili naming bahay. Either nangungupahan kami o eto nga, magsasama sama sa isang bahay. Hindi sa mga suwail kaming anak. Siguro dahil na din sa culture ng trabaho namin, at sa mga nakakausap naming mga amerikano. Pati pananaw namin nagbago na. Kung sa amerika nga 18 pa lang pinapaalis na sa bahay ng magulang. Kami pa kayang legal ng magasawa ng walang pirma ng magulang? Hindi din naman namin kaaway mga magulang namin. Basta wala lang. Ganito lang kami. Mas gusto mamuhay mag isa kesa umasa sa biyaya ng magulang.

Naunang dumating si Kayla kasi malapit lang dito yung inuupahan niya. Magkasabay naman sila Kizza at Kiz dumating after 30 minutes. Lahat sila may bitbit ng mga gamit. Napag decide kami na mag grocery na muna ng pagkain at bumili ng alak. Since wala kaming mga pasok imbes na mag bar hopping sa bahay na lang kami iinom.

Paguwi sinimulan na namin ang inuman. Siyempre topic nanaman ang love life ko. Against kasi talaga tong mga to sa relasyon namin ni Macky. Hindi daw kasi healthy yung away bati. Although isang taon pa lang kami magkakakilala, kung titignan kami akalain mong buong buhay na kami magkakasama. Nakasabay ko si Liz nung nag apply ako. Sa training naman kami nagkakilala nila Lia Kayla at Kizza. Instant kaming nag bond. Madalas kaming magkakasama sa inuman. Minsan sa bar, minsan house party. Kung nasaan yung isa andun lahat.

Wala akong balak umiyak sa kanila. Pagod na rin kasi akong malungkot everytime na magaaway kami ni Macky. Parang feeling ko were just delaying the inevitable. Alam naman naming dalawa na sa hiwalayan din mauuwi yung relasyon namin. Kasi simula pa lang mali na lahat. Rebound girl niya ako. Ako naman flavor of the month ko siya. Masyado lang kaming na attached sa isat isa kaya kahit anong hiwalayan namin nagkaka ayos din kami after a while. Pero this time ayoko na talaga. Wala na akong lakas makipag compete sa past niya.

Pag nag iinom kami asahan mong sobrang gulo. Tawanan, kwentuhan, asaran. Halos umaga na nung natapos kami. Kanya kanyang pwesto na para matulog. Apat kuwarto dito pero lagi sa isang kuwarto lang kami natutulog. Maglalatag kami ng apat na kutson sa sahig tapos siksikan kami. Hapon na nung magising kaming lahat. Ako at si Liz laging toka sa pagluluto. Kasi hindi marunong sila Lia. After namin kumain naisipan namin magpunta sa mall. Last day ng off at kelangan sulitin. Manonood kami ng sine. After maligo at magayos sumakay na kami sa kotse ni Lia. Hindi niya to dinadala papasok. Mas gusto kasi namin mag commute. Mas may thrill at adventure kasi sa ganoon. Pagdating sa Mall wala naman kaming nakitang magandang palabas. Kaya yun, tumambay na lang kami sa Coffee shop. Nung magsasarado na yung mall naisipan namin lumipat ng puwesto.

Ang Ex- Boyfriend kong Artista (A short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon