Destiny's Game 3

2 0 0
                                    

Via's POV:

Kakapasok ko pa lang sa condo ko nang makita ko si mom na nakaupo sa may sofa. Tss, ano na naman kayang masamang balita ang nasagap nito. She was staring angrily at me the moment she saw me.

"What is it mom?",I asked her.

"Really Vianna!? You stopped a class by disrepecting a teacher!?" ,she shouted at me.

"Mom, paulit ulit na lang yan eh. Arent you used to it already?" bored na sabi ko sa kanya.

"Vianna, hindi namin alam ng dad mo kung hanggang kailan ka namin mapoprotektahan sa mga ginagawa mo!" I rolled my eyes at what she said.

"Wala akong sinabing protektahan niyo ako. Kaya ko ang sarili ko. Just let me be." napaupo naman si mom sa sinabi ko. At seryosong tiningnan ako sa mata.

"I don't know kung saan kami nagkulang ng Dad, money, love and time. Binibigay naman namin lahat iyon pero bakit ganyan kapa rin. Saan kami nagkulang Via?"

"Hindi kayo nagkulang, sobra sobra pa nga eh. I just wanted to live this way. So please stop meddling with how live my life."

"But I'm your mom--"

"I know, I wanted to rest na." I cut her off and walk straight to my room. Paulit ulit lang naman kasi yung topic. Nakakasura kaya. Wala na silang magagawa kung ganito ako. Nagbihis na ako saka lumabas ng kwarto, mom was no longer there. See? Pumunta lang talaga yun dito puntahan ako. Why waste her time? Di naman niya ako mababago.
Pumunta akong kusina, I live alone in my condo kaya kahit papaano ay marunong ako magluto. Naghahanda ako ng dinner ng biglang nagring ang phone ko. Napangiti naman agad ako ng makitang name ni Xyo ang nakaregister dun.

"Yes love?", sagot ko naman dito.

"Lets go to boracay tomorrow", sabi naman nito sa akin.
Napatili naman ako sa sinabi nito.

"Yieeee! Is it a date!?"  narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. Siguro ay pagod na naman ito kakabasket ball. Varsity ito eh.

"You can call it a date. May iniutos kasi si Daddy sa akin. He wanted you to come with me" I chuckled, alam kong nakasimangot ito. He hates his father, and I don't know why.

"Don't worry love, Ill make sure we will enjoy there."

"Susunduin na lang kita bukas nang umaga, we are using a private plane."

"Sige, bye. I love you" paalam ko dito.

"I love you too".

Tinapos ko na ang pagdinner ko saka pumunta ng kwarto. Magpeprepare pa ako ng mga gamit ko papuntang Bora. And you know, beauty rest. And I know, wala kayo nun.

Xyo's POV:

8:00 am.

Andito na ako sa labas ng condo ni Via. Mas maaga umalis may maaga din makabalik, I don't want to stay at Bora for too long. Hinihintay ko lang ang girlfriend ko, and speaking of, nakita ko na siyang naglalakad palapit sa akin wearing a white crop top, short shorts and a white shoes.

"Bat hindi ka umakyat? Ang bigat kaya nito" sabay turo sa malaking bag na dala nito.

"Wala naman kasi akong sinabi na dalhin mo ang buong condo mo."

"What!?" asik nito sa akin.

"Wala, I said lets go. Malalate na tayo." sabay halik ko sa noo nito. Tinulungan ko na din siyang ipasok sa sasakyan ko ang may kalakihang bag nito.

"Ano ba ang iniutos sayo ni tito?" tanong nito sa akin habang nagdadrive ako.

"Just a small bussiness meeting na kaya ko na naman" sagot ko ng hindi tumitingin dito.

"Are you okay with it?"

"Yeah, saka utos yun ni daddy, its not like I could say no."

"Okay na rin yun love, at least we could spend time together." nakangiting sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Nginitian ko na lang din siya bilang sagot at nagfucos sa pagmamaneho. Hirap na at madisgrasya.
(A/N: Wag unahin ang kalandian.)

Destiny Played w/ MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon