TIK-TIK: The Aswang Chronicles

1K 5 0
                                    

Dalawang linggo na po ang nakaraan nang mabalita ang pagkamatay ng mga bibe sa isang bakuran sa Balubad. Ayon sa nakasaksi, aswang daw po ang kumain sa puso ng mga sawing bibe.

Ang larawang ito ay magpapakita ng bagong insidente ng pagkamatay ng mga alagang hayop sa Balubad. Ibinabahagi po ito sa atin ni Konsehal Jeff Tansinsin. Ang mga napatay na native at pot bellied pigs ay pagmamay-ari ng Pamilya Tansinsin. Narito ang salaysay ni Konsehal Jeff:

“Ito po ang kalunos lunos na sinapit ng aming mga alagang Native at Pot Bellied Pig, natagpuan po kaninang umaga (sorry for the graphic & gory pics) may mga malalalim na kagat sa ibat ibang bahagi ng katawan. Sa mga nauna nang napabalita na may ASWANG daw sa aming Brgy. Balubad (don't want to create public fear and hysteria, o katakutan ang aming Brgy) dahil sa sunod-sunod na pagpatay/ pagkamatay ng mga alagang hayop sa aming lugar. Dito na po ako lumaki at tumanda, ang inyong lingkod po ay HINDI n

aniniwala sa ASWANG.’

“Batay sa aming mga kapitbahay, sila ay nakarinig ng tahulan ng mga ASO kasabay ang pag-iyak ng aming mga alagang baboy sa pagitan ng ika 12:30-1:00 ng madaling araw. Hindi po ito ang unang pangyayari. Nung una ay ang mga alaga naming kambing, ganun din ang mga alagang manok, itik, bibe atbp. ng aming mga kapitbahay.’

“Ano nga po ba ang kasagutan dito? Ika nga ay may scientific explanation po kaya kung anong nilalang o sino ang gumagawa nito? Ang amin pong hinala at teorya, ito ay gawa ng isang ASO, nung unang gawin ang kalsada sa aming brgy (Balubad-San Francisco Rd) ay pansamantalang gumawa ang mga tauhan ng construction firm ng barracks o pansamantalang himpilan sa gilid ng tulay ng Balubad, kasabay nito ang dinala nilang ASO (adult, mixed mongrel breed), na kulay puti, halos gabewang ng tao ang laki, at mukang may lahi o nai-cross breed sa imported na ASO (nahahawig sa Pitbull), nakita ko po ito ng personal sa aming bakuran at kalsada na pagala-gala lang. Ngunit nang umalis na ang mga construction worker ay iniwan na din ang naturang ASO. Siguro po sa dahilang wala na nag-aalaga, to survive on it's own o mabuhay sa sarili niya, ay umiral ang tinatawag na "natural animal instinct" at natutong kumain ng ibang uri o mas maliit na hayop.’

“Ang pangyayari pong ito ay nai-report na sa Pamahalaang Brgy, sapagkat sa pinsalang naidudulot sa aming mga alagang hayop (livestock) dito sa Balubad at mga kalapit brgy. Ang aking panawagan sa aking mga ka Brgy at mga Kababayan na tayo po ay maging mapagmatiyag sa ating lugar upang mabigyang lunas ang problemang ito.’

“WAG PO TAYONG MATAKOT, WALANG ASWANG SA BALUBAD O SA BULAKAN... (warning and disclaimer: wala po tayong sinisisi o tinutukoy na mga tao dito, ito po ay base lamang sa aking personal na opinion, aktuwal na karanasan at maging sa mga kuro-kuro at espekulasyon aking nababalitaan. Wala rin po kaugnayan o "promotional story" sa pelikulang "TIKTIK, The Aswang Chronicles).

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIK-TIK: The Aswang ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon