Chapter 26 : Movie

11 1 0
                                    

Saturday ngayon at nakahiga ako sa malambot na kama dito sa sarili kong kwarto sa bahay ni Tito Cairo. Dalawa kami na nandito sa napakalaking bahay. Ako at si Manang Fe na siya ang nag iisang nag aasikaso sa bahay at iba pa. Andun naman sa Paris si Kuya Jordan. Hindi na daw nila kailangan nang maraming katulong dahil parating wala si Tito Cairo at minsan lang umuuwi dito si Kuya Jordan. Si Vincent naman sa sariling condo siya nag s-stay.

Wala akong magawa kaya naman naisipan ko na umalis ngayong araw.
Umupo ako sa pagkakahiga ko at tatayo na sana nang biglang bumukas ang pinto at tumakbong pumasok si Owen at pinigilan akong tumayo.

"Rain!!!. Ano ang ginagawa mo?!"

Sabi niya habang pilit na pinahiga ako sa kama. Kasunod niyang pumasok ay sina Emma, Arthur at Terrence.

"Diba dapat ako ang magtatanong niyan sayo Owen."

Sabi ko.

"Gosh. Ang OA mo talaga Owen. Kuya paki control mo nga itong unggoy na kaibigan mo."

Napairap si Emma habang sinasabi niya yun. Napakamot sa ulo si Terence habang hinila niya si Owen palayo sa akin.

"Rain... Okay ka na ba?."

Tanong sa akin ni Arthur.

"Oo. Hindi na masyadong masakit ang pasa ko. Naghihilom na rin ang mga sugat ko."

"Tsk... Kahit na, hindi ka pa rin pwedeng bumangon at maglakad. Maghintay pa tayo na talagang fully recover ka na------mmffffff."

Mabilis na sagot ni Owen na ngayon ay tinakpan ni Emma ang bibig.

"Tumahimik ka na nga lang diyan. I'm sorry sa inasal nitong unggoy Rain. You know naman isang hayop to."

Napansin ko na hindi nila kasama si Vincent. Akala ko pa naman na kasama siya... Teka... Bakit ko nga ba hinahanap siya?.

"Looking for him?"

Nabigla ako sa nagsalita. Si Terrence lang pala na ngayon ay nakaupo sa upuan na katabi ng kama.

"Sino?.... Si Vincent?.... Hindi ko naman siya hinahanap"

Sabi ko at iniiwasan ang tingin niya. Bakit ba ako nagkakaganito?... Naramdaman ko na pinisil niya ang pisngi ko pero hindi naman ganong masakit. Tumawa naman siya nang mahina.

"Wala naman akong sinabi kung sino. Actually si Kuya Jordan ang ibig sabihin ko... Now I know na si Vincent pala ang hinahanap mo."

Nahiya tuloy ako. Bakit ba naman kasi si Vincent ang unang pumasok sa isip ko...

"He's actually here. Hindi nga lang siya pumasok dito."

Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Naisipan ni Owen at Emma na manood nang movies ngayong araw dito sa kwarto. May T. V. naman dito tapos may dala silang iba't ibang klase na chichirya. Pumwesto na ako sa sahig at binuksan ang isang chichirya habang nagtatalo pa sina Emma at Owen kung ano ang panonoorin. Si Terrence naman ay tumabi sa akin at nakikain tapos si Arthur ay may kausap sa telepono.

"Huwag na nga kasi Horror yung panonoorin natin. Ba't ba tigas nang ulo mo? "

"Mas mabuti na nga to kesa sa napili mo. Ratatouille?. Mga bata lang ang manonood niya."

"Anong mga bata?!. FYI Owen you can have knowledge about cooking. Duh. Palibhasa kase unggoy ka."

"At ano naman ang kinalaman nang unggoy?. Tsk. Ba't manonood ka pa nang palabas ng isang daga?. Tignan mo na lang sarili mo sa salamin... Tutal, Isa ka na namang daga. Hahahaha"

The Girl In Distress (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon