'MAHALL KITAA AGATHAA FUENTES'
Napangiti ako ng marinig ko na naman ang mga katagang iyan mula sa iyo. Napakasarap pakinggan tila musika na paulit ulit sa aking pandinig.
'Agatha gising malelate ka na sa klase mo.' Sabi ng maamong boses ni mama. Napanaginipan na naman kita at ang mga salita mong mahal kita sana hindi na lang iyon panaginip, sana nasasabi mo rin sa akin iyon ng harapan iyong tipong gising ako, naririnig, nakikita at nahahawakan kita at habang sinasabi mo ang mga katagang iyon nakatitig ka sa aking mga mata. Napakasarap siguro nun sa pakiramdam ngunit malabo. Malabong malabong mangyari yun dahil may mahal kang iba. At ako eto malayong malayo sa mga tipo mo. Nasambit ko sa aking sarili masaya at may halong lungkot na naman ang aking naramdaman. Napangiti na lang ako ng mapait.
Naghanda na ako para sa pagpasok sa eskwelahan. Habang naghahanda aki naisip ko na lang bakit ikaw oa ang nagustuhan ko? Sa dinami dami ng tao sa mundo bakit ikaw pa? e hanggang sa panaginip mo lang naman ako kilala ngunit sa totoo parang wala lang ako sayo.
Habang naglalakad ako papunta sa room namin nakita na naman kita masayang nakikipagtawanan sa mga kaibigan mo. At ako ayun hanggang tingin na naman sayo na para lang isang hangin lang na dinaanan mo. Masakit pero ayos lang sapat na sa akin ang nakikitang masaya ka.
Araw araw hinihiling ko na sana makilala mo ako kahit pangalan ko lang ang malaman mo masaya na ako.
Isang araw habang kumakain kami ng kaibigan kong si Lou sa cafeteria bigla mo kaming nilapitan. Ito na yata ang pinakamagandang pangyayari sa buong buhay ko. Habang papalapit ka sa amin para akong nasa isang fantasy movie na ako ang bidang babae, ako ang prinsesa at ikaw ang bidang lalaki at ang prinsipe. Napakasaya ko hindi ko maikukumpara sa kahit anong bagay ang labis na kasiyahan ko.
'Agatha Mendez?'
Tanong mo sa akin habang nakatingin ka sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo tila naistatwa ako sa lamig ng boses mo. Kung hindi lamang ako kinalabit ng kaibigan ko nasayang ko na siguro ang pagkakataon na yun para makausap kita.
'Ako nga.' sambit ko habang nakatitig pa rin ako sayo na tila kinakabisado ang bawat parte ng mukha mo.
'Pinapatawag ka ni Sir Morayta kailangan ka daw sa club niyo.' sambit mo sabay alis ng hindi man lang nagpapaalam pero laking pasasalamat ko kay sir morayta dahil kung hindi dahil sa kanya hindi siguro kita nakausap kahit saglit.
Simula nung araw na yun tila lahat ng hiling at panalangin ko ay natupad hindi na ako parang hangin lang sayo sa wakas naramdaman mo na rin ang existence ko. Sa tuwing magkakasalubong tayo lagi mo na akong nginingitian at binabati at habang tumatagal naging malapit tayo sa isa't isa naging magkaibigan. Umaapaw na saya ang aking nadarama hindi ko maipaliwanag.
Bawat segundo, minuto, oras at araw pinapasaya mo ako at mas lalong nahuhulog ang loob ko sayo. Mas lalo kitang minamahal. Umabot na sa puntong wala na akong pakealam sa sasabihin ng ibang tao, wala na akong pakealam kung masasaktan ako ang importante ay masaya ako kasama ka.
Ngunit hindi nga naman pala puro saya lang ang kailangang maramdaman. Bumalik ang babaeng pinakamamahal ni Axiel, bumalik ang babaeng pinakamamahal ng lalaking mahal ko. Sakit. Yan lang ang tanging naramdaman ko. Akala ko magagawa mo na akong mahalin. Akala ko masusuklian mo na ang pagmamahal na ibinibigay ko sayo. Akala ko lang pala. Akala ko lang.
Habang naglalakad ako pauwi nakita ko kayong magkayakap. Ang sakit. Sobrang sakit. Napahinto ako sa paglalakad ko nun naramdaman ko na lang na nagtutubig na ang mga mata ko habang nakatingin sa inyo. Bigla kang napatingin sa direksyon ko hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko kaya't agad akong tumakbo papalayo sa inyo.
'Agathaaa!' paulit ulit mong tawag sa pangalan ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na lingunin ka pero napatigil ako sa pagtakbo ng bigla mong harangin ang dinadaanan ko. Mas lalo akong napahagulgul sa pag iyak ng makita kita sa harapan ko.
'Agatha. Patawad. Patawarin mo ako kung hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin patawad.' sambit mo habang nakatingin sa akin. Walang salitang gustong kumawala sa bibig ko. Tanging pag-iyak lang ang naisagot ko sayo. Bigla mo na lang akong niyakap. At mas lalo pa akong napaiyak sa pagyakap mo sa akin magkahalong lungkot at saya ang aking naramdaman masaya dahil kahit papaano nalinawan ka na sa nararamdaman mo, malungkot dahil kahit anong gawin ko hindi mo pa rin ako kayang mahalin.
'Salamat sa lahat. Salamat sa pagpapasaya sa akin. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin kung gaano kasarap ang magmahal. Sana maging masaya ka sa mga magiging desisyon mo. Salamat sa lahat. Mahal kita. Paalam.' sambit ko ng mahimasmasan ako at tuluyan ng umalis.
Pag nagmahal ka hindi ka sigurado kung masusuklian niya ang pagmamahal na ipinaparamdam mo sa kanya. Pag nagmahal ka ibigay mo ng buo ang puso mo.
Napalapit ka nga sa akin pero hindi mo pa rin ako nagawang mahalin siguro panaginip nga lang kita isang magandang panaginip.
Axiel Mendez Ang Aking Panaginip.
BINABASA MO ANG
Aking Panaginip (One Shot Story)
Teen FictionHanggang sa panaginip lang kita. Hanggang sa panaginip lang ako masaya.