1. Unfinished Report (July 22)

705 17 5
                                    

"Arrr!"

Frustrated na si Diane. Ilang beses na nyang inuulit ang computation sa report na inihahanda nya, pero hindi parin nya ito mabalanse. Kailangan nya matapos ang report ngayong gabi.  Kailangan ito ipresent bukas sa meeting ni Sir Lorenzo with a possible new client. Siguradong kapag hindi umabot ang report sa oras ng meeting, masasabon at masusungitan na naman sya ng walang kasing init na ulong Boss nya.

Sir Sungit...

Napasandal sa kinauupuan nya si Diane. Ipinikit nya ang kanyang mga mata habang pinipilit tanggalin sa isip nya ang imahe ni Sir Lorenzo.

Ilang linggo na mula nung nagtapat sa kanya ng pag-ibig ang Boss nya. Although he said it in a burst of anger and emotion, isang valid na confession of love parin yun diba?

Napabuntong hininga si Diane. Naaalala nya pa ang mga salitang binitiwan ni Sir Lorenzo nung araw na yun. Paulit ulit itong bumabalik sa isip nya nitong mga nakaraang linggo. Mas malubha pa ito sa isang malupit na LSS na di matanggal sa isip nya. Minsan kahit sa pagtulog, maalala nya ito...

"Mahal nga kita! For me what happened to us was special... oo marami akong naging babae... marami akong nasaktan... pero hindi ibig sabihin nun na gagawin ko din sayo yun...can we give it a chance? Just one chance..."

Kasabay ng mga salita ni Sir Lorenzo na paulit ulit sa isip ni Diane ay yung sakit sa dibdib nya na di matanggal tanggal mula nung araw na yun... yung sakit na parang pinipiga ka... yung sakit na parang palalim ng palalim...

"Di ko... maintindihan... bakit... bakit ba ganito..." bulong ni Diane sa sarili nya. "Akala ko ginawa ko yung tama pero bakit parang pakiramdam ko... mali..."

"Ang alin?"

Biglang napabulat ang mata ni Diane nang marinig ang bosses ni Connor.

"Alin ang di mo maintindihan? Alin and mali?" Tanong ni Connor

Agad pinilit ni Diane ngumiti.

"Umm... yung di ko maintindihan? Umm... ahhh oo! Eto kasing report... di ko mabalanse." Sabi ni Diane. "Nakaka-ilang ulit na kasi ako pero di ko maintindihan saan ako nagkamali."

"Ahhh yung report..."

Tumango si Diane.

"Oo yung report..." lalo pang ngumiti si Diane.

"Ummm..." lumapit si Connor kay Diane at hinawakan ang pisngi ni Diane.  "Kaya ba may luha ka dito?" Pinahid ni Connor ang luha ni Diane.

Nanlaki ang mata ni Diane. Patay! Umiiyak ba sya?

"Tatanggi ka pa ba e huling huli ka na?" Tanong ni Connor.

Umupo si Connor sa mesa sa harap ni Diane.

"So... anong nangyari?" Tanong ni Connor.

"Wala!" Sagot ni Diane as if hindi big deal na nahuli sya ni Connor na umiiyak. Pinilit nya ulit ngumiti.

"Siguro maloloko mo yung ibang tao. Pero di mo ako maloloko, Diane." Sagot ni Connor.

Hinawakan ni Connor ang kamay ni Diane.

"Baka makatulong ako. Lagi nalang ikaw ang tumutulong samin, sakin. Baka naman chance ko na tong matulungan ka, Diane."

Ilang minuto  ang lumipas bago nakapagsalita si Diane.

"Si... Sir Lorenzo kasi..."

"Anong ginawa ni Lorenzo sayo?" Tanong ni Connor, may pagkabahala sa boses nya.

"Hindi... wala naman... ang ibig ko sabihin..."

Diane clenched her hands together. Gusto nyang marinig ang point of view ni Connor bilang lalaki, lalo't isa din si Connor na Ladies man kagaya ni Sir Lorenzo. Pero kung sasabihin nya na nagtapat sa kanya si Sir Lorenzo... maniniwala ba si Connor? Eh baka pagtawanan lang sya nito. Sya na secretary lang at ang layo sa hitsura ng mala-beauty queen na Dulce Silverio, siguradong iisipin ni Connor na imposibleng magkagusto sa kanya si Sir Lorenzo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LoDi FanficsWhere stories live. Discover now