AN// Just comment kung umiyak kayo. (Gusto ko lang po malaman kung nasaktan kayo o hindi o naapektuhan man lang kayo sa chapter na ito hehe) Luvlots po!
Nico wiped his tears and forced himself to smile.
"M-ma, Pa, Norie.. This is L-lady Vega Alpha Lyrae Moretti. Ang pamilya nila ang kumupkop sa akin," pagpapakilala ni Nico.
"Nico, I'm sorry."
Yun lang ang nasabi ko.
That's why Nico never tried to open up about his family to me because its too painful for him.
Bahagya kong niyakap si Nico.
Her parents died on the same date. Norie died three years after their parent's death.
"H-how?"
Alam kong masakit para kay Nico pero gusto kong malaman kung bakit sila namatay.
"Mom and Dad died on a car accident. Norie died on an explosion but I found her body a year after."
I thought sa aming dalawa ni Nico ako lang ay may pinagdadaanan, siya rin pala.
"A-ang s-sama ko kasing anak eh," hagulgol ni Nico.
"No you're not, Nico. It was an accident."
"K-kung h-hindi sana naging m-matigas ang ulo ko. Aandito pa s-sila ngayon."
He's so strong that he was able to hide such pain for years.
"Ang tagal na nung mawala sila pero ang sariwa pa rin dito," itinuro ni Nico ang kanyang puso. "Ang sama ko kasing anak at kapatid! Kung hindi ako naglayas hindi sila maaksidente. Kung hindi ko iniwan si Norie, hindi siya madadamay sa pagsabog! Pinatay ko sila!!"
Napaatras ako ng bahagya ng sadyang pagsusuntukin ni Nico ang kanyang sarili.
"Nico! Stop it!"
Sinubukan kong awatin siya pero bigo ako.
"Ang sama sama ko! Dapat ako na lang ang namatay!"
Lumapit si Hera at V para pigilan si Nico sa pananakit sa sarili dahil nakita namin ang dugong tumulo sa kanyang ilong.
"Tama na, Nico!"
"Bitawan niyo ako!!"
"Nico, please. Hindi nila gugustuhin na nagkakaganito ka!"
"HINDI KO RIN GUSTO NA MAMATAY SILA!!"
Buong lakas kong ikinulong si Nico sa aking mga braso. Pigil hiningang niyakap ko ng mahigpit si Nico habang pareho kaming umiiyak.
"Kukuha lang ako ng tubig," sabi ni Hera.
"Nico, don't blame yourself..Pleasseee," pakiusap ko. "Stop hurting yourself. I'm hurting,too."
Mugtong-mugto na ang mga mata ni Nico pero patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata.
"Hindi ko alam kung papaano ko papatawarin ang sarili ko, Val," malakas niyang hikbi.
"Isipin mong matagal ka na nilang pinatawad Nico. Ikaw na lang ang nakulong sa nakaraan ninyo. Nasa mas ligtas at payapang lugar na sila ngayon."
"Mas masaya ba sila na iwan ako? Noon pa man gusto ko na sumama sa kanila," mahinang hikbi ni Nico.
"GAGO!" malakas na sinapak ni V si Nico.