Chapter II
Dumiretso si Jaime sa labas ng school, gusto na niyang umuwi, gusto niyang mapag isa. Nahabol naman siya ni Kimpoy at dalidali niya itong hinawakan sa kamay sabay sabi,
“Jaime, sandal lang naman please…. Huwag mo silang pansinin” (patuloy pa rin sa pagiyak si Jaime0
“pwede ba iwanan mo muna ako, gusto kong mapag isa, tama naman sila eh, bruha ako, pangit, hindi maganda.!!!” Galit niyang sabi.
“mali naman sila eh, hindi ka pangit, hindi ka bruha, maganda ka Jaime.”
“isa ka pa. umalis ka na pwede! Iwanan mo nalang ako.!” ( at sakto naming dumating na ang driver niya, at dalidali na siyang sumakay pauwi.) naiwang bigo si Kimpoy sa labas ng kanilang school, at si Tom ay patuloy pa rin sa pagtawa sa kabila ng sakit na nararamdaman ni Jaime at ng kanyang mga kaibigan. Kinabukasan nagdesisyon si Jaime na wag muna siyang pumasok dahil sa hiya at sakit na nararamdaman niya. Lungkot naman ang naramdaman ng kanyang mga kaibigan nung hindi nila ito Makita sa kanilang classroom.
“oh mukhang wala si bruha ngayon? Uy bakit wala siya?” tanong niya kay Ken.
“hah? Bat ako ang tinatanong mo? Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit di siya pumasok?”
“aba, ewan ko sa inyo… wala akong kasalanan!”
“anong wala! Ikaw nga ang nagpahiya sa kanya diba!!! Kung tutuusin mas pangit ka nga sa kanya eh. Gwapo ka nga, mayaman kaso kasing pangit mo naman ang ugali mo!”
Hindi na nakapagsalita pa si Tom sa kanyang mga narinig. Halatang napahiya siya sa klase, at dahil sa sobrang hiya niya, napawalk out siya at mukhang nasaktan sa mga sinabi ni Ken. Inis na inis si Tom sa pagkakapahiya niya sa kanilang klase, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya basta ang nasa isip niya lang sa mga oras na iyon ay yung mga sinabi ni Ken sa kanya. Di niya alam kung maiinis siya o tatanggapin nalang kasi totoo naman lahat ng mga yun. Gusto niyang maghiganti, gusto niya ring magsorry kay Jaime, at gusto niyang magassume na di wala lang sa kanya ang mga nangyari. Kinabukasan pumasok na si Jaime at pumasok din naman si Tom.
Pababa na si Jaime sa kanilang sasakyan nang pababa rin si Tom sa kanilang kotse, nagkatinginan sila pero dalidaling naglakad si Jaime, at si Tom naman ay wala lang sa kanya ang kanilang pagkikita, gusto ni Tom na magsorry kay Jaime, pero kinakain siya ng hiya at pride niya. Sinasabi niya sa kanyang sarili, “why should I say sorry to her, di naman masama yung ginawa ko sa kanya ah, kasi totoo naman yun, dapat nga siya ang magsorry sakin kasi siya yung nakabangga sakin nun sa corridor hmp..” hmp basta ayokong magsorry sa kanya. Pagpasok ni Jaime sa kanilang room, nakatingin sa kanya ang lahat, tumatawa sila agad naming sumigaw si Ken,
“fren I miss you so much”
“kami rin fren, we miss you so much.”
Npatingin rin sila sa parating na si Tom, tumingin si Jaime sa kanya, kasi agad din itong yumuko, isnab naman ang natanggap ni Tom mula sa mga kaibigan ni Jaime, lalo na si Ken. Nakayuko pa rin si Jaime. Mayamaya dumating naman sa klase si Trisha ang kababata ni Tom. Biglang napatayo si Tom.
YOU ARE READING
Facebook chatmate (mr. Bunny Bear)
RomanceIto ay kwento ng isang simpleng babae na magkakaroon ng friend sa Facebook na siyang tatanggap at magaapreciate sa kanya si Jaime, mayaman kaso di marunong magayos. Lagi siyang napapahiya sa kanilang school, isa sa mga pinakahate niyang tao sa buha...