First Love

81 0 0
                                    

First love never dies sabi nga nila. Hindi naman talaga sana ako maniniwala dyan, kaso ikaw kasi ang first love ko e, kaya naman I BELIEVE!

Hindi kumpleto ang araw ko pag hindi kita nakikita. Isa ka sa mga pinagkukunan ko ng lakas sa araw-araw na pamumuhay ko. Hindi ako nagsasawa sa boses mo. Hinahanap-hanap kita palagi.

Ganito pala ang feeling kapag na-first love hano? Aba naman, eto ang true love! Alam ko hindi lahat ng tao nabiyayaan ng katulad mo. Kaya naman I feel so Blessed. 

Bawat paggising ko, mukha mo agad nakikita ko. Kulang nalang magsawa ako, kaso walang nakakasawa sayo e.

Kapag kasama kita, ang saya saya ko! Para akong bata na gustong lumundag lundag sa saya! ayoneh, naks diba? Kaso nakakatamad lumundag, next time nalang.

Tuwing kakain tayo gusto mo 'eats like a man' ako. Oo ganyan ka! Gusto mo yata maging baboy ako! Pero ayos lang, ikaw naman mahihirapan e, kasi bubuhatin mo parin ako sa ayaw at sa gusto mo, ipapasan mo ako at ikakandong mo ako.

Kapag lumalakad tayo kulang nalang tumakbo ako sa bilis mong maglakad! Akala mo naman aso mo 'ko! Pero okay lang, ako ang shihtzhu ng buhay mo, oh diba ang cute ko!

Kapag joke time tayo kahit ang corny corny corny mo, tatawa parin ako. Hindi ko alam kung nakakatawa ba talaga jokes mo o sadyang mahal lang kita talaga kaya kahit anong sabihin mo e havey sakin.

Pag kumakanta ka pakiramdam ko hinaharana ako ng sampung lalaki. Naks! ang lakas mo diba! Pag sumayaw ka naman....Ay please, kanta ka nalang ulit. HAHAHA

Textmate din tayo ah! Kapag gabi na at hindi pa 'ko umuuwi kinakabahan ako pag nagtext ka na! Yung maiksing text mo ay nagdudulot ng sobrang takot at kaba sa puso ko. The funny thing is ang emotionless ng text mo, kaya a little part of me ay natatawa parin, para kasing may nagtext na robot sakin.

Kapag nanonood tayo ng movie together, nae-enjoy ko yung movie, kahit ano genre, kahit pa action yan! Basta ikaw ang kasama, hindi boring, kahit hindi ka nagsasalita basta nakikita kong nage-enjoy ka sa movie, nae-enjoy ko na rin.

Kapag iniiwan nila ako, ikaw yung nandyan para samahan ako. Ang sarap maramdaman na parang minsan nagiging weakness mo ang kalungkutan ko. Yung simpleng magtampo o iyak ko lang, andyan ka agad para sakin. Abay ka-sweet mo naman dude!

Kapag naka-ngiti ako habang nagtetext akala mo naman kinikilig na 'ko kung maka-batok ka! Pag ngumiti ba kinikilig na agad?! Malisyoso ka talaga.

Tapos tuwing gabi lagi tayong naggu-goodnight sa isa't-isa with I love you pa nga! 

Kapag may binili akong pagkain bigla kang lumalapit at nanga-agaw. Kala mo naman iyo yon! Tapang hiya mo. Pero wala e, sayo din kasi galing yung pera na pinambibili ko. Tapang hiya ko din e, mana sayo.

Kaso minsan nawawalan ka ng time para sakin. Nagiging busy ka sa work mo. Nakakatampo ka! Next time ibibili na kita ng relo para magka-time ka manlang!

Pero kahit ganun mahal na mahal parin kita. Eh pano Ama kita! The best tatay in the world ka kaya! Ganyan kita ka-mahal, kahit gaano ka pa ka-bonjing, proud ako sayo.

Kaso anong nangyari, Pa? Bakit bigla ka nalang umalis? Baliw ka ba? Ang saya saya naman natin ah! Gusto kitang sapakin o suntukin. Kaso wala akong magawa. THE FIRST HEARTACHE EVER. Tagos-tagusan sa puso. Para akong nahulog mula 99th floor at lumagapak sa puro bubog na kalsada at nagulungan ng 16 wheeler truck! Ganun kasakit. And what's worst? Eto buhay parin ako.

Inaano ba kita? Ang daya daya mo! Hindi mo manlang ako in-inform. :( Bigla ka nalang umaalis. Tapos ano?

Tapos makikita kita ulit kung kelan hindi ka na pwede kausapin? Kung kelan wala nang dugong dumadaloy sayo! Kung kelan naka-pikit ka nalang! Kung kelan silyado ka na ng isang malaking kahon! Kung kelan panget ka na! >_< Pero ikaw yung pinaka-gwapo sa lahat ng panget. Pano tatay kita eh, natural gwapo ka, ganda ko kaya! Pero ang sakit sakit parin talaga. Bakit ka naman ganyan? Sana sinampal mo nalang ako kaysa ganito. :(

Hindi kita makakalimutan. Ikaw, ikaw na unang lalaki na minahal ko na patuloy kong mamahalin hanggang dulo. Ang First Love ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon