Chapter1: Ang Present

34 0 0
                                    

I am now 56 years old. Matanda na para 'kumarengkeng'. Nangangamoy kanal na rin ika nga ng mga youngsters sa amin.

Well, hindi ko ikakaila dahil mula nung nagkaanak ako, feeling ko ang tanda tanda ko na.

My appearance looked too old for my age. Akala ng iba, lalo na ang mga bumubili sa tindahan namin mag se-seventy na ako.

Well, duh! Mukha ko lng ang matanda pero hindi ang soul and attitude ko. Hindi naman porket matanda na, kelangan tumanda na rin lahat lahat. Eh di super tanda na sa feelings pag ganun.

Akala (puro akala) ng iba, ang 'KJ' ko.
Di raw ako marunong magbisyo, puro na lang trabaho, walang ka aura aura sa buhay. LOSYANG NA BORING PA!
Minsan, sinasabi yan ng asawa at mga anak ko sa akin. Eh! Buti pa sila, they can do whatever they want kahit may pamilya na.

"Ginusto mo yan", yan mismo ang laging sinasabi sa akin ng tatay ko nung nabubuhay pa siya. Nais ko mang ipagtanggol ang sarili ko, nagkikibit balikat na lang ako sa tuwing isinusumbat niya sa akin ang mga pagkakamaling nagawa ko.

'Nangyari nang di ginusto', sa utak ko na lang ito nasasabi.

Mabuti na lang bago ako manganak noon, nakapagtapos pa ako ng studies ko sa isa sa pinakatanyag na University sa Northern Luzon. Thankful pa rin ako sa tatay ko kaya nga Di ko na lang siya sinusumbatan...
_____________________________________________________________________________________________________________
Habang tinatype ito ni Aling Ella, di niya namalayang nagbabasa pala mula sa likuran niya ang kanyang bunsong anak na si Aki.

"Ma, magaling ka palang magsulat?" tanong bigla ng kanyang anak.

Nagulat si Aling Ella nang biglang narinig niya ang boses ng anak mula sa kanyang likuran. "Aysus maryosep! Aatakihin ako sa puso nito! Ano ka ba naman Aki!", sabay palo sa braso ng anak at binalik sa dibdib ang kamay at minasamasahe iyon. "Haaay... puso ko.", ika niya ulit

Napatawa naman si Aki. "hahaha haha. Ma, eh sobra ka kasing naka-concentrate jan sa tinatype mo. Ano ba kasi yan?"

Gusto mang itago iyon ni Aling Ella, huli na. "ah..eh..kwan kasi anak----", hindi niya madugtungan ang sasabihin.

"ma?", singit ng anak nang di niya mahintay ang sasabihin ng ina.

"Ganito kasi yan bago pa man naging kami ng tatay mo, gusto ko na ang pagsusulat. kung anu-ano ang mga sinusulat ko dati depende sa mood ko.", panimula niya habang nagkakamot ng ulo.

Bigla siyang ngumuso, "Eeeeiiyy kaso itong tatay mo, nung nabasa niya yung mga sinulat ko, ayy AYUN! pinunit, sinunog niya lahat." may bahid ng lungkot at panghihinayang sa kanyang mukha at pananalita.

Bigla siyang tumayo at pumasok sa CR.

Naguguluhang umalis ang anak at lumabas ng bahay. 'Ano kayang nabasa ni tatay nun bakit niya pinunit at sinunog. . . .SAYANG.' sa isip isip niya.

Habang nasa loob ng CR, bigla na lang umiyak si Aling Ella. Naalala ang mga nakalipas niya.

Prrrrwwwwwsssshhhhkkk!--- pagka-flash ng kubeta. Kunwaring nagbanyo dahil sumakit ang tiyan

HOPING FOR A NEVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon