CHAPTER ELEVEN

295 65 4
                                    

CHAPTER ELEVEN

We're Good


"Are you ready to learn?" tanong sa akin ni Raffy pagdating niya rito sa Coffee and Books.

Nagtataka ko siyang tiningnan. "Ha? 'Di ba dapat ako ang nagtatanong niyan sa 'yo?"

Umiling siya. "We will be having a new schedule. Starting this week, every Tuesday, I will teach you Earth science; then, every Friday, you will teach me college algebra."

"Wow. Gumawa ka na talaga ng bagong schedule natin without informing me?" nagkukunwaring mataray na tanong ko.

Nawala ang ngiti sa mga labi niya. "S-sorry. Ayaw mo ba? S-sige. Sabi ko nga dapat 'di ako nagdedesisyong mag-isa." Kakamot-kamot pa siya sa ulo niya.

Natawa na tuloy ako. "Hey! I'm just kidding!"

Sumimangot siya at ngumuso pa. Letse! Bakit ang cute niya?!

"Ikaw, a. Niloloko mo na ako," nagtatampong saad niya.

"Kailan pa kita niloko?" nakangiting tanong ko.

"'Ba. Bumabanat ka na ng ganyan, a." At saka siya natawa.

Hindi namin kasama si Tine ngayon dahil nagpasama sa kanya ang mommy niya na mag-shopping para sa graduation ng kapatid niya. March pa rin kasi ang graduation doon sa school na pinapasukan ng kapatid niyang si Nesto, habang ang university naman namin ay nagpalit na ng calendar at ginawa nang June ang graduation.

Tinuruan ako ng isang technique ni Raffy sa pag-me-memorize. Tingnan ko raw kung magiging effective sa akin.

"Just think of a song, tapos gawin mong lyrics 'yong i-me-memorize mo. You're a preschool teacher. You will do that later on, composing children songs na kahit wala sa tono, basta para sa mga bata at sa school activity, gagawin."

Tumango-tango ako sa mga sinabi niya at sinubukan ang technique.

At first, nahihirapan ako, lalo na kapag mahahaba ang words. Pero nakainam din 'yon dahil mas nakita ko ang keyword ng bawat definition. Hanggang sa unti-unti e nakukuha ko na. Nahihirapan pa rin ako dahil medyo kakaiba talaga ang terms ng science pero sinusubukan ko pa rin.

Lumipas ang dalawang oras at huminto na kami ni Raffy sa pag-aaral. May isa pa siyang itinuro sa akin, ang pagbabasa nang malakas ng ni-re-review ko habang ni-re-record ang boses ko. Pagkatapos ko raw i-record e pakinggan ko uli at gawin ko raw parang music kahit ilang oras lang.

"So what's your reaction in Someday by David Levithan?" tanong sa akin ni Raffy habang nagmemeryenda kami.

Bigla kong naalala ang lahat ng naramdaman ko habang binabasa ang librong 'yon. "Ano'ng nakikita mong reaksiyon sa mukha ko?" tanong ko kay Raffy na ikinataka niya.

"Neutral?"

"Right! This was my reaction when I finished the book."

"Why?" nangingiti niyang tanong. Amused on what I've said.

Sinabi ko sa kanya kung ano'ng opinyon ko tungkol sa libro. And we actually have the same opinion.

Pagkatapos naming magpalitan ng opinyon tungkol sa Someday ni David Levithan ay natahimik kami sandali, hanggang sa may maisip akong itanong.

"By the way, bakit parang hindi na kita nakikitang nagbabasa ng libro?"

"Reading is just a hobby and an escape in a boring and cruel reality. But I don't have any reason to escape for now," nakangiting sagot niya. Ngiting-ngiti siya habang nakatitig sa akin. Para bang sinasabi niyang ako ang dahilan kaya hindi niya kailangang takasan ang reyalidad ngayon.

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon