CHAPTER TWELVE

274 64 11
                                    

CHAPTER TWELVE

Trapped in a Confession


Dumating ang Tuesday, pero ni isang chat ay hindi nagparamdam sa amin si Raffy. Nandito kami sa Coffee and Books. We went here even if we're not sure if Raffy will come. But it's been one and a half hour since we got here but no Raffy came.

"Aba, ang galing naman ng lalaking 'yon. Pagkatapos mo siyang tulungang makapasa sa midterms, hindi na siya magpapakita sa atin? Aba, magaling!" medyo naiinis na sabi ni Tine.

"Baka naman busy lang," depensa ko.

"Busy? Duh! Walang busy sa taong may pakialam, 'no! Ma-i-chat nga ang lokong 'yon."

"Huwag na. Let him be. If he really cares, magpaparamdam siya."

Naiinis na sumandal si Tine sa kinauupuan niya. Nanood na lang uli siya ng Korean drama. 'Yon talaga ang pampakalma niya.

Habang naghihintay kami, nag-isip ako nang nag-isip kung bakit hindi nagpapakita sa amin si Raffy. At unang-unang pumasok sa isip ko ay 'yong nangyari noong Martes, 'yong time na hahawakan niya dapat ang kamay ko pero umiwas ako. Hindi kaya dahil doon? Baka nagalit siya sa akin dahil iniwas ko ang kamay ko. Pero bakit naman siya magagalit? Napakasimpleng gesture lang naman n'on. Hindi kaya . . . may nararamdaman din para sa akin si Raffy?

Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa naiisip ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa naiisip ko o masasaktan dahil kung talagang may nararamdaman siya para sa akin, bakit may kasama siyang ibang babae noong Friday? Sino ang babaeng 'yon? At kung totoo nga ang hula ko, ibig sabihin . . . kasalanan ko kaya siya umiiwas ngayon?

Letse. Bakit ang sakit? At bakit pakiramdam ko anumang oras ay tutulo na ang mga luha ko? Ganito ba talaga ang nagmamahal? I'm a reader, I can feel the hurt of the fictional characters who came close to my heart. But I didn't expect that loving in reality would hurt this much. Parang dinudurog ang puso ko. Parang hindi ako makahinga dahil sa pagpipigil na umiyak. Letse!

We waited for another thirty minutes but no Raffy came. We have no communication other than Messenger at 'yong pagkikita namin every Tuesday and Friday. But like what I've said, if he really cares, magpaparamdam siya.

"Besh, tara na, umuwi na tayo. Hindi na darating ang lokong 'yon," aya sa akin ni Tine.

Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatitig sa entrance ng coffee shop, naghihintay sa pagpasok niya.

"Besh?" Sinilip ni Tine ang mukha ko. "O, bakit ganyan ang reaksiyon mo?" nag-aalala niyang tanong. "Teka, umiiyak ka ba?"

Doon ko lang namalayang may tumulo na palang luha mula sa mga mata ko.

"Besh, bakit? Bakit ka umiiyak? Tell me."

"I . . . I don't know." Doon na ako tuluyang napaiyak. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko. "Alam ko namang hindi na siya darating. But why am I still waiting for him? Why I am feeling this way? It feels like . . . like . . ."

"Like you're in love."

Napalingon ako kay Tine. Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko.

"I know that you're in love with him. Hinihintay ko lang din na ikaw mismo ang maka-realize n'on."

Napangiti ako nang mapakla habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Ganito ba talaga ang na-i-in love? Nakakabaliw. Ilang araw ko lang siyang hindi nakita, pero bakit hinahanap-hanap ko na siya? Sanay naman ako dati na hindi siya nakikita. Sanay ako na every Tuesday at Friday lang kami nagkakasama. Pero bakit nitong mga nakaraang araw, hinahanap-hanap ko na siya? Especially after that . . . that date."

Letters from The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon