Pagmamahal kong Tunay
By: Makatang Romantiko
Magpapakilala na muna ako
Makikita nman sa pangalan
Ako si Makatang Romantiko
Ako'y mapagmahal naman
Kahit ganito lang ako kung pumorma
Puso ko naman ay tunay ang nadarama
Pasensya na kung wala sa bilang
Ang aking tulang ginawa lang
Kung ito'y sisimulan ko pa
Sanay iyo ng madama
Pag ibig ay di sinungaling
Sayo narin nanggaling
"Wag masinungaling
sa Relasyon natin"
Ipapakita ko ngayon sayo
Na tunay tong pag ibig ko
Ikaw ang nakikita sa bawat kisapmata
Sa bawat lugar Ikaw lang gustong makita
Kumpara ka sa iba
Wala silang panama
Ikaw best Girl sa buong kalawakan
Sa mundo o sa buong kapatagan
Ng Puso kong sinisigaw pangalan mo
Sigaw pa nya "SYA ANG MAHAL KO"
Sabi ko naman "Sabi mo pa ang ganda nya,
Hala di ko namalayan puso ko nakuha nya"
Kaya ngayon sa aking pagtatapus
Ako ngayon ay masayang nakagapus
Sa mga ngiti nya lang napapakilig na ako
Hiling ko nalang sa Diyos at mga tala
Sya ay wag kunin dahil di kaya ng puso ko
Kaya para sakanya nagawa tong tula
Sya lang ang aking panalangin
Sing importante gaya ng hangin
Itong Pagmamahal kong tunay
Kailan man hanggan ako'y mamatay