"Ang gusto ko na bride's maid sa kasal natin si Ella! At Yung best man nmn si Lloyd!". Sigaw niya habang nagplaplano ng mga gagawin nmin.
"Excited na excited ka, Zeke?" Sinabi ko, tinitignan ko lang sya. Ang saya niya tignan.
"Syempre nmn, Keith. Basta iiyak ka dapat ha? Tapos pupunasan ko luha mo nun!" At tumawa siya.
"Normal naman sa mga babae yun e." Sinabi ko at napakamot siya ng batok.
"Oo nga. Hehe! " At tuloy pa din sya sa pagkamot."Pero, Keith..." May inabot siya sa aking envelope.
"Hmm?"
Nung binuksan ko, nakita ko Yung is ang plane ticket. "Ano to?"
"Ngayon ko lang nalaman na aalis na pla kmi kinabukasan. At after five years na pla kmi babalik. Kaya gusto ko, sumama ka Please."
Ibinalik ko sa kanya yung envelope. Umiling ako at nalungkot sya. "Hihintayin na lang kita." Sinabi ko at nagsmile siya. Hindi na niya ako pinilit, dahil ayaw ko tlga simula pa lang.
"Pagkauwi ko, tandaan mo. Ikakasal tayo agad!" Nagsmile siya. "Hintayin mo ko ah? sana may hihintayin pa ako.
~*~
Months na, simula nung umalis sila Zeke. Nagpapadala naman siya ng postcards at nagkakausap naman kami.
Nagkakahirapan nga lang kami sa timezone kasi talagang mahirap. Umaga sa kanila, gabi sa amin. Paano pa kami makakapag-usap? Lalo na't nagtratrabaho kami pareho.
10 months ang binilang ko, bago kami nagkausap ulit. Nagkakahirapan tlga
kami at parang wala na kaming closure."Kung pwede nga lang basagin 'tong screen na to at sana mailabas kita dito, gagawin ko." Sinabi niya habang kausap ko siya thru Video Chat.
"Four years pa." pagtutuloy niya.
"Miss na miss na kita. Gusto na kita makasama ulit at... At.." Hindi ko na matuloy kase naiiyak na ako.
Nung matapos yung Video Chat na
yun, hindi na ulit kami nagkausap. Hindi ko na ulit tinignan kung may text ba siya o ano, palaging nakapatay yung phone ko dahil sawa na akong maghintay.Hindi na siya nagparamdam. Mag focus na lang ako sa pagtratrabaho sa Resto namin.
Ilang years rin yung natapos. Wala na akong magawa. Sinubukan ko na ulit mag message sa kanya, pero ni Isa wala. Wala ng dumarating na message. Ni isang kumusta, wala.
Ganito ba talaga kapag naging Long Distance na? Napapariwala? Nawawala? Nakakatamad na. Sinabi niya babalik siya. Pero nasaan na siya.
Gusto ko na bumitiw. Gusto ko matapos na to, kaso nangako siya. Maghintay daw ako.
"Keith! Table 5!"
Napatingin ako sa mga daliri ko, at naifocus ko yung sarili ko sa ring finger ko. Napasmile ako.
Pero, minsan hindi ko maiwasan isipin na nakakasawang umasa at maghintay. Lalo na kapag wala na, hindi na nagparamdam yung taong gusto mong hintayin.
Nung papunta na ako sa table na yun, nakaramdam ako ng konting kaba.
Hinayaan ko na lang yung kaba na yu n. Pumunta ako sa table 5, at busy na busy sa pagpunta doon, napakalayo naman kasi.
"Zeke, Oh my God." Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi nung lalaki sa table na kung saan kukunin ko yung order.
"Of course, yes!" Naihulog ko yung hawak ko na menu na dahilan ng pagtingin sa akin ng mga tao.
Hindi ko alam kung sasaya ba ako, o malulungkot sa nakita ko. Sasaya ba ako kasi nakita ko na siya ulit, o malulungkot ba kasi nakita ko siya nagpoprose sa isang babae.