Magkakatinginan kaya kayo sa mga mata? Sa mga milagrong ginawa😂😂
Epal na author...
Kasalanan mo din author eh..😆----------------------------------------------
#AGBGNightParty
ISIAH's POV
Nag-start na ang night party kaya naman nagsasaya nang husto ang mga kasama ko, samantalang ako guilty sa nangyari. Tiningnan ko ang mga kasama ko na abala sa pagsasayaw, habang si Ate Anna at Mr. Kim ay busy sa paggawa ng bornfire.
Ang kambal naman nasa cottage at ang mga yaya. Kaya nilapitan ko sila para pag enjoyin muna at ako na lang muna magbabantay sa mga bata.
Nagpasalamat naman ang dalawa sabay tumakbo sa dagat at nakisaya kasama sila Ate Anna, naiwan ako at umupo para tingnan ang natutulog na kambal.
"Nandito ka pala?"
'Di ko man siya tignan alam ko kung sino siya, ang kaibigan na minsan nang nanakit sa'kin, at umagaw sa taong dati kong minahal dahil sa tindi ng selos.
"Ang cute nila, manang-mana kay Steven." Saad niyang nakangiti. "Magaling siyang humulma."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, tapos tumawa siya nang mahina na parang lasing, kakasimula pa lang ng party? Lasing na? Kaloka. 'Di ko lang siya pinansin sa mga patutsada niya.
"Masarap ang asawa mo 'di ba? Mukha ngang nag-eenjoy ka, blooming ka kasi." Hagikhik niya
"Lasing ka ba?" Tanong ko.
Napatawa muna siya, saka kinumpas ang kamay sa hangin na tila sinasabing hindi siya lasing.
"I'm not drunk... Kakasimula lang ng party lasing?"
"Mukha kasi."
Napatawa siya saka lumapit sa crib ng kambal ko. Tinignan niya ang mga ito, may pagkakataong hinimas niya ang mukha ng mga ito.
"Their cute," saad niyang nakangiti. "Now, are you happy to have a child with him?" Tingin sa akin. "Masarap ba siya?"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, napailing ako sa sinabi niya, lasing na ata 'tong babaeng 'to? Panira ng moment.
"I ask you? Masarap ba siya?" Ulit niyang tanong.
Tinignan ko muna ang mga kasamahan kong nagkakasayahan sa beach, masaya silang naghahabulan sa dagat habang ang iba nakaupo lang sa bornfire.
"Tell me Isiah... Hes yummy?" Aniya sa malanding boses.
"Ba't 'di mo tikman?" Inis kong sagot
Natawa siya sa sinabi ko saka nagpapalakpak, kumilos ang kambal na tila nagulat, pero agad kong tinapik at nakatulog ulit sila.
"S-sorry" tawa nang tawa. "Natawa lang kasi ako..." Inom ng brandy
Alam ko naman kahit papaano ang amoy ng brandy kaya walang duda lasing na siya, namumula na din siya at medyo bulol na magsalita.

BINABASA MO ANG
Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRL
Storie d'amore"Minahal kita nang walang takot, ang kinakatakutan ko sa lahat ay yung tinuruan mo kong matakot na mahalin ka" Si Isiah Lei Cruz ay isang simpleng babae na walang takot na harapin ang lahat nang hamon sa buhay. Isa lang siya sa simpleng studyante na...