Chapter 4

14 3 0
                                    

Chapter four

Loreine POV

Gabi na at lahat kami ay nasa kanya-kanyang kwarto.Si Aling kalipta naman ay dito na nagpalipas ng gabi dahil delikado na bumaba ng ganitong oras.

Tahimik ang paligid at wala kang maririnig.

Lahat ata sila ay natutulog na at ako nalang ata ang gising pa.

Di ako makatulog sa di malamang dahilan.Malamig naman kahit walang electric fan o aircon,mahangin kasi at natural na yun sa bundok o gubat.

Ilang beses na akong gumulong at nagpalit ng posisyon pero wala apring epekto at eto ako mulat na mulat parin.

Sa ganitong oras ay dapat na akong natutulog pero wala eh.

Dahil sa nabobored na ako bumangon ako sa pagkakahiga at nagtungo sa may bintana.

Pinagmasdan ko lang ang buwan kasama nito ang mga bituin na walang sawang kumikinang sa kalangitan.

Ang ganda

Patuloy lang ako sa pagtingin sa buwan ng maramdaman ko na naman  na may tumititig sakin.

Kaya tumingin ako sa may baba at namataan ko na naman ang bulto ng isang lalake na katulad na katulad nito ang lalakeng nakita ko sa may bintana kanina.

Alam kong nakatingin sya sakin na parang may ngiti sa labi.Di ko alam,wala akong ideya kung sino ba ang lalakeng toh

Dahil sa takot ko ay agad kong sinarado ang bintana at bumalik sa kama dahil nagbabakasakali akong dalawin na ako ng antok.

Nang humiga ako ay di nga ako nagkakamali dahil dinalaw na ako ng antok........

And everything went black.

*"*"*"*"*"*"*"*"*"
Loreine's Dream
*"*"*"*"*"*"*"*"*"

Nasa masukal na gubat ako,napapalibutan ng matataas na puno.

Hindi ko alam kung nasan ako,di ko rin alam kung pano ako napunta dito.

Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan ng.....

"Hind kita kayang mahalin,dahil demonyo ka!"bigla akong napatingin sa direksyon kung san nanggaling ang tinig at nakita ko si......si Lorena.

Bakit sya nandito?at sino ang kaharap nyang lalake?

Di ko makita ang mukha ng lalake dahil ansa likuran ako ng lalake kaya tanging si Lorena lang ang nakikita ko

"Lorena,mahal na mahal kita,mahalin mo naman ako"pagmamakaawa ng lalake

"Hinding hindi ako magmamahal ng isang demonyo na tulad mo!masama kang tao,halimaw ka!"sigaw na sagot ni Lorena

Ano ba talagang nangyayare?

"Isa akong demonyo kaya lahat ng gusto ko nakukuha ko!"kasabay ng pag sigaw ng lalake ay ang pagiiba nya ng anyo.

Kung dati ay anyong tao sya,ngayon ibang iba na.

Biglang lumabas ang kanyang maiitim at malalaking pakpak at ang kanyang sungay,itim na rin ang kanyang balat na para syang kapre.

Nakakatakot ang anyo nya.

Nakita ko sa mukha ni Lorena ang takot na kanyang nararamdaman.

Akmang lalapitan ko si Lorena upang tulungan ng biglang nagliwanag ang paligid.

*"*"*"*"*"

"Ate!ate!!gumising kana!"paggising sakin ng mga kapatid ko kaya agad akong napabangon.

"Ate binabangungot ka!"sabi ni melody

"Pinapawisan ka at nagsasalita ka ng hindi maintindihan"sambit naman ni Lannie

"Kailangan toh malaman nila mama"akmang aalis si melody upang sabihin na binangungot ako pero pinigilan ko na sya.

"Please satin lang toh,pasensya na nanuod kasi ako ng horror sa laptop kaninang gabi"pagdadahilan ko at agad naman silang naniwala at umalis sa kwarto.

Nang makalabas sila agad akong tumingin sa bintana kung san sumisilip na ang sikat ng araw.

Bakit nandun ako?
Sino yung lalake na naging demonyo?
Anong koneksyon?

Bakit kailangan ko yun makita?

*'*'*'*'*'
Winnie na cute pag kumakain:so guys thank you for reading sana ma enjoy nyo,and first time kong gumawa ng story kaya pagpasensyahan nyo na kung medyo lame,hayaan nyo dahil mas pagbubutihin ko pa ang pagsusulat.Enjoy!

Mansion De LunaWhere stories live. Discover now