CHAPTER 14

16 1 0
                                    

NANG ABUTAN NG NILALANG ang nanghihinang hayop ay naghanap ito ng isang malaking bato sa paligid.

Nang makakita ng bato ay iniamba nito sa ere at pinuntirya ang ulo ng hayop!

Bumagsak ang bato sa mismong ulo ng hayop!

Nadurog ang bungo ng hayop sa lakas ng pagkakahampas ng nilalang!

Nanginginig at naluluhang napapikit si Althea sa nasaksihan.

Sina Allan at Rex ay tila nangngangalit ang mga ngipin sa pagpipigil.

Wala silang magawa. Kundi panoorin ang mga nangyayari sa ibaba.

Tuloy-tuloy na nagdurugo ang ulo ng hayop dahil sa ginawa ng nilalang na iyon.

Nang masigurong patay na ang hayop ay binuhat ito ng nilalang na iyon sa balikat at saka naglakad na palinga-linga sa paligid...

Maya-maya't pabulong na nagsalita si Allan.

"Guys... Sundan natin siya..." ani Allan.

Tumango-tango si Rex.

Alam niya ang iniisip ni Allan...

**************************************

SAMANTALA SA BAHAY NI LOLA TORY...

Pinag-iisipan nina Cathy, Grace at Karen ang magiging kalagayan nila hanggang mamayang pagkagat ng dilim.

Nang sandaling iyon ay nagpunta ng bayan si Lola Tory upang magtanong-tanong kung nasaan na ang ilan sa mga nabuhay ulit.

"Guys... Hindi ba kayo kinakabahan mamaya? I mean, mamayang pagkagat ng dilim. O mamayang hating gabi?" si Karen.

"Natatakot at kinakabahan. Pero, mas inaalala ko kasi kung paano natin ipapaabot sa mga magulang ng mga kaibigan natin ang balita kung sakaling hindi sila makabalik. Mas nakakatakot isipin na baka tayo ang sisihin ng mga pamilya nila" seryosong tugon ni Cathy.

Napaisip sina Karen at Grace.

Saka tumango-tango ang mga ito.

"Ang hirap ng ganito. Yung maghihintay lang tayo ng oras at araw. Wala tayong pwedeng gawin? Paano kung walang matagpuan si Lola Tory na mga nabuhay ulit? Anong next step natin? Wala na?" ani Grace. Bakas sa mukha nito ang pagkabalisa.

Ilang sandaling katahimikan. Wala kasing masabi ang sinuman sa kanila.

Maya-maya'y nagsalita na si Cathy.

"Bukod sa mga nabuhay ulit, may isa pa tayong clue. Yung kakaibang amoy" bungad ni Cathy. "Kanina ko pa iniisip... Kung naamoy niyo rin ang amoy na iyon kanina dito sa bahay ni Lola Tory kahit wala namang sugat ang mga kaibigan natin. Ibig sabihin, lumapit dito ang aswang o halimaw na bumiktima sa mga kaibigan natin kanina" seryosong turan ni Cathy.

Nanlaki ang mga mata ni Grace at Karen.

"Hah!!!???" bulalas ni Karen. Kinilabutan ito sa narinig kay Cathy.

Napayakap naman si Grace kay Karen.

"Isipin niyo... Kung walang lumabas na likido mula sa bangkay ng mga kaibigan natin, kanino nanggaling ang amoy na iyon? Maliban na lang kung may nagdala ng ganoong uri ng likido malapit sa bahay na ito" tila nag-iisip na saad muli ni Cathy. "May nakita ba kayo, o narinig, o naramdamang lumapit sa bahay kanina?" tanong nito.

"W-wala... wala kaming napansin..." natatakot na sagot ni Grace.

"Palagay ko, babalik sila. Babalikan nila ang mga kaibigan natin!" matigas na pagtatapos ni Cathy.

LIHIM NG SAN PATRICIO (Siete/Kuarenta Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon