Sa akin
Sinikop ko ang buhok ko at inikot na parang isang bun nang sa gayon ay mahangin ang aking batok.
Mainit.
Iyon ang kauna unahang napansin ko sa eskwelahang ito.
Mahangin man dala nang naglalakihang puno ay dama mo pa rin ang tirik ng araw sa probinsya. Not that hindi mainit sa Maynila. Sana lang ay naka aircon ang loob ng room.Ang arte. Ang init kasi!
"Mylene nga pala, anong pangalan mo?"
Biglang lahad kamay ng isang babaeng may maikling buhok.
Kasalukuyan kaming nasa room at naghihintay ng propesor. Dama ko ang titig nang ilan. May natutuwa at gustong magpakilala. Marami rin namang masama kung tumingin."Jasril." Ngiti ko rito at iniabot ang kanyang kamay.
Umupo siya sa bakanteng silya sa kanan ko. Napili kong umupo sa gawing likuran kaya't nanatiling bakante ang dalawang upuan sa aking kaliwa.
"Uhh.. bago ka lang dito? Kasi.. di ka kasi uhh .. pamilyar."
Nag aalangan nitong tugon."Oo, kakarating ko lang kahapon.
Late enrollee." Tipid king ngiti.Hindi ako pala kaibigan pero hindi naman ako bastos at bukas naman ako sa bagong kakilala.
Nakitang kong aangat ang kanyang labi tila may balak sabihin ngunit naputol iyon nang pumasok ang mid 40s' na babae. May dala itong dalawang manipis na libro at bungkos ng index card.
Must be the professor?
Di nga ako nagkamali nang magpakilala siyang bilang guro sa isang major subject.Nagpakilala ang propesor at inayos ang salamin sa mata bago pinasulat ang aming pangalan sa dala nitong index card.
Nagsimula akong magsulat ng pangalan sa pink na papel ngunit naagaw ang atensyon ko ng may narinig na iilang singhap.
Nag angat ako ng tingin at bumalandra sakin ang gwapong muka ng lalake kagabi sa aking harapan.
Hindi ko siya pinupuri, sinasabi ko lang ang napapansin ko.
Nakasuot pa rin ang dalawang kamay nito sa bulsa at dala ang mayabang na aura. Napairap ako.
Ayaw ko talaga ng ganito ka angas na lalake."May nakaupo?" Tanong nito
"May nakita ka?" Tanong ko pabalik. Nakataas ang kilay.
Nakita kong umangat ang gilid nang labi nito."Wala. Kung meron kasi, paalisin ko."
Nagkibit balikat ito at mahanging umupo sabay lagay ng braso sa likod ng upuan ko.
Nakita kong sumunod sa kanya ang ilang kasama kagabi at umupo ang mga ito sa gawing harapan.Unti unti akong nakarinig ng bulungan ngunit napahinto ito ng manaway ang propesor.
"Your index card, Mr. Jimenez AND FRIENDS. Next time na malate kayo stright from disciplinary office!"
Seryoso at galit nitong tugonNagmamadaling kumuha ng index card ang mga kasama niya sa table ni Mrs. Balarao ngunit nanatiling nakaupo ang lalake sa tabi ko!
"Hmm disciplinary office. Have you been there before?"
Hinarap ko ito at inirapan.
"Yung braso mo, pakitanggal sa likod ko."
Irap ko sabay pagpapatuloy sa pagsulat ng pangalan."Sino pa ang walang index card? I still have pink here left. And mind you. We only have two similar colors. Ang kaparehong kulay ng inyong papel ay ang magiging kapartner niyo.
Sakto itong dala ko, sino ang wala pa?"
Naghahanap ang mata ng guro sa harapan.Agad na nasira ang araw ko nang mapansin ang nangyayari.
Wala pang index card ang walangyang lalakeng katabi ko.
Pinili ko ang pink na index card kanina dahil pabirito ko ito, at hindi ko gusto ang nagaganap."Ma'am, pag aari ko.. yung pink."
Diretsahan niya iyong sinabi habang nakatingin sa akin at agarang tumayo.Uminit ang pisngi ko at biglang kinamuhian ang dating paboritong kulay. Argggh!!
BINABASA MO ANG
Reaching Path
Roman d'amourIf feelings is a choice will it easily fade away the moment you decided to discontinue what has been felt? If feelings suddenly changed, what would be the reason why? If you can no longer feel, where does the feeling stand? Too confusing.. Our mind...