KURT'S POV.
"What do you mean?" Napahampas pa yung dalawa kong kamay sa mesa kaya't batid kong biglang kinabahan si Mika. Napatayo din kasi ako bigla.
"I-iyon yung sabi nya kanina nung nakasalubong ko sya sa labas ng F.A.C. ka-kanina rin sa loob ng building ay pinag-uusapan na nila Gian ang pagre-resign daw ni Clarisse ngayong araw," tukoy nya sa best friend kong si Gian na naging boyfriend ni Clarisse matapos naming 'mag-break'.
"Pero bakit?" dahan-dahan ulit akong napaupo. "Kung kelan naman malapit na naming mahanap yung---"
"Sacrifice"
"Ano?"
"Nagsakripisyo sya." hindi ko maintindihan ang ipinupunto nya. "Naalala mo ba last year? Nung malaman nating lahat na ang tunay nyang daddy ang leader ng Mafia Organization na matagal na nating kabanggaan?" wala sa sarili akong napatango. "Matagal na syang gustong makasama ng dad nya pero nung magkaharap nga sila, hindi matanggap ni Clarisse yung paliwanag ng dad nya kung bakit sya nito iniwan sa ampunan noong baby pa sya."
Mukhang naiintindihan ko na sya.
Namatay ang mommy ni Clarisse sa panganganak sa kanya. Nasa panganib non ang buhay ng pamilya nila kaya't imbes na idamay sya, pinili ng dad nyang iwanan sya sa isang bahay-ampunan.
Naiintindihan ko noon ang galit ni Clarisse nang malaman ang ginawa sa kanya ng sarili niyang ama. Of course, mahirap lumaki sa ampunan. Mahirap ang walang mga magulang.
Pero kahit ganon, naiintindihan ko rin ang dad nya.
Nagsakripisyo rin sya. Pinili nyang mapalayo sa anak para hindi ito mapahamak.
May iniabot saaking makapal na folder si Mika at tahimik ko iyong binasa na unti-unting sumagot sa mga katanungan ko.
.
.
.
.
.MAE'S POV.
IN-EXCUSE ako ni Ji sa room dahil sa pagdating ni Kuya Jensen---ang nakatatandanag kapatid ni Kuya Kurt na syang namamahala ng businesses nila sa iba't-ibang bansa. He's now 28 years old and 6 years na mula nang umalis ito sa Pilipinas.
Kahit ako ay na-surprised dahil sa biglaang pagsulpot ni Jireh kanina at ipinagpaalam ako sa ibang subject teachers ko. Busy ang lahat kaya wala daw susunod kay Kuya Jensen kaya't pinakiusapan nila mommy si Ji na samahan ako sa airport. Ipinagpaalam n'ya rin ako kanina sa group mates ko na hindi kami makakapag-practice sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
Don't Fall, She's Mine √
ספרות נוער"Mae, hanggang kaibigan lang ba talaga?" --- Genre: Teen-fiction, action By:LOC-2nd Ps: I wrote this on my jejedays kaya patawarin nyo ko HAHAHAHA. But if you still wanna read this, feel free and enjoy. Wag ka sanang kilabutan tulad ko. Joke. *_^