CHAPTER 34: A Promise

21 1 0
                                    


                 JIREH'S POV.

HABANG tinitingnan ko si Lorianne Mae na kasama kong naglalakad papunta sa Music Room ay hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko.

May nagawa ba akong mali? Bakit parang na-o-awkward-an s'ya sa'kin? May nasabi ba akong masama sakanya? Sa pagkakaalala ko, nagsimula ito nung nakaraan pang linggo

Inalala kong pilit lahat ng mga nangyari at natigilan ako bigla nang maalala yung sinabi ko nung July 24...

"...I love you..."

Sh*t! Nag - I love you ako! Ayun ba yung dahilan ng pag-iwas nya?

Bakit kasi hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin 'yon? F*ck this mouth!

"Ji, okay kalang?" Tanong niya nang nasa labas na kami ng Music Room. Napansin nya yata nang natigilan ako.

"O-oo naman." Ngumiti pa ako ng matamis.

Hell, Lorianne Mae, I'm not okay. Daig ko pa yung pakiramdam ng tino-torture dahil sa pagkailang mo.

Inilapat ko nalang ang daliri ko sa scanner sa pinto at agad 'yong bumukas.

Nandito na sila dahil siguro may meeting na naman ang lahat ng teachers---highschool and college--- liban kay Raven.

Nasaan naman kaya yon? 11 palang kaya alam kong hindi trip ni Raven na umuwi ng mga ganitong oras sa bahay nila. Dito nga naman sa school, makakapaglibang pa s'ya. Mahigpit kasi ang security dito at binabantayan s'ya nila---

"MAE!" malakas na tawag ni Lyndon samantalang para namang ako ay hindi nakita. Ngiting-ngiti si Sky saamin pero pasimple nyang sinusundot ang tagiliran ni Guiller na masama ang mukha.

Napansin ko ang paglibot ng tingin ni Lorianne Mae. Tinanguan n'ya sina Lyndon at Sky. Bahagyang tumigil ang mata n'ya kay Guiller pero nagpatuloy rin iyon sa pag-ikot.

"Ahm... sandali lang, may nakalimutan akong notebook sa room." napansin ko ang pagsasalikop ni Lorianne Mae sa mga kamay nya.

No, Lorianne Mae, not to me. I know you.

"Samahan na kita?" alok ko.

"So possessive... best friend." Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi ni Skyler pero pinukol ko nalang s'ya ng masamang tingin. Humagikgik pa ang loko na parang kinikilig. Sumimangot naman Lyndon at nag-iwas si Guiller ng tingin.

"H-Hindi na." matigas ang pagtanggi niya na lihim kong ikinangiei. Sabi na e. "Kaya ko na. B-babalik naman ako kaagad." Tumango nalang ako at pinagbuksan s'ya ng pinto.

"Awkward... I see." Pinagkunutan ko ng noo si Skyler dahil sa sinabi nya pagharap ko. Napansin nya rin yon? Sabagay, s'ya nga pala ay isang dakilang tsismoso.

"At bakit naman magiging awkward? Hindi naman sila magjowa," naiinis na ani Lyndon saka ako hinarap. "'Di ba, Ji?"

Tsk! Siraulo talaga tong si Lyndon. Napilitan nalang akong tumango.

She's not my girlfriend. But, I'll work for it.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon