Chapter 1
"Haaa aaah aaah! Haaa aaah aaah! Haaa aaah aaah. aaah aaah! .....
Magandang himig na naman ang kanyang narinig pero siguro lasing lang siya kaya mas malakas ito. Tulad ng dati ayaw niya itong bigyan ng pansin. Nakatulog na si Ulysses sa sobrang kalasingan sa ilalim ng puno ng matandang Balete. Nakalilim ito sa isang bukal na tubig na malamang galing din sa di kalayuang burol. Itinabi niya na ang kanyang kotse kesa naman magmaneho pa siyang umiikot na ang kanyang paningin. Malapit na siya sa kanilang bahay pero hindi niya na talaga kaya ang magmaneho pa. Galing kasi siya sa bahay ng kaibigang kararating lang galing ibang bansa. Hindi siya sanay uminom kaya siguro ang bilis niyang tinamaan sa inilabas na alak ng kaibigan. Ang mapait at masarap na lasa ng alak na Johnnie Walker ay kakaiba na nagustuhan naman niya kahit hindi talaga siya manginginom. Mahaba at mahimbing ang kanyang tulog sa malamig na gabi.
Malamig ang tubig sa bukal. Masarap ang tampisaw ni Dana. Walang saplot itong naliligo sa tubig. Ito na ang nakasanayan niyang gawin sa umaga ng ala sais kasama ang kanyang mga dama. Wala namang makakakita sa kanila dahil walang madalas lumapit sa bukal ng ganoong oras. At kung meron man hindi makikita ang tulad nila sa kanilang kakaibang mundo. Madalas siyang may bantay na mga dama kahit nasa paligíd lang siya ng palasyo. Isang prinsesa si Dana sa kanilang kaharian. Kaharian ng mga nilalang na hindi nakikita tulad nating mga tao. Sa mundo ng mga engkantada at engkantado. Ang huni ng mga ibon sa itaas na tila nag eehersisyo din habang kumakanta. Kasabay din si Dana sa huma-humming na mga ibon. Mahilig gawin ni Prinsesa Dana ang umaawit lalo na kung siya ay nasa bukal.
"Haaa aaah aaah! Haaa aaah aaah! Haaa aaah aaah aaah aaah!"
"Aaaaaaahhhh!! Sabay na umuunat at naghihikab pang gumising si Ulysses. Nagising siya sa malamig na boses. Masugid niyang sinuri ng kanyang paningin ang paligid. Nasa ilalim pala siya ng puno ng matandang Balete." Ala sais na ng umaga pero naramdaman niya pang nagtayuan ang kanyang balahibo. Kay sarap pakinggan ang lagaslas ng tubig sa bukal. Narinig na naman niya ang magandang himig na huma- humming.
Isang boses babae na huma -humming ang kanyang naalala bago siya nakatulog. Sa lamig ng boses lalong naitulak ang kanyang diwa sa pagka antok at tuluyang nakalimot. "Sino kaya yon", bulong niya sa sarili. "Huh, dahil siguro lasing lang ako? Siya rin ang sumagot sa sariling tanong. Pero naririnig na naman niya ang boses. Ito ay isang boses babae pero wala namang ibang naroon kundi siya lang. Malamig na simoy ng hangin na naman ang dumaan. Kaya isinusi niya na ang kotse at umandar dahan dahang papalayo sa lugar.
"Anak saan ka ba galing?" Tanong ni Aling Yolly sa anak. Hindi ka na nakauwi kagabi", nag-alalang tanong ng ina. Lumapit na ito sa kanyang kinaroroonan nang matanaw siya sa kotse sa may di kalayuang matandang puno ngBalete. "Doon lang po kila George, inay. Pacensya na po hindi na nakapagpaalam. Napasarap ng kwentuhan hindi namin namalayan ang oras". Humingi ng pasensya sa ina si Ulysses. Hindi na niya binanggit sa may puno ilalim na ng puno ng balete siya nakatulog. "Mag-almusal na muna tayo", yayang sabi ng ina. Alam niyang magmamadali na naman ito para pumasok sa trabaho. "Sige ho inay, maligo lang ako sandali, bibilisan ko na lang".
Pumapasok sa alaala ni Ulysses ang boses ng babaeng kanyang narinig sa ilalim ng puno ng balete. Iniisip niya baka siya ay lasing lang siya iyon ang tanging naging dahilan niya sa sarili. Kahit na minsan ay nagtataka na siya. Nagmadali siyang magbuhos tila kanyang na naman itong naririnig. At para na namang nag-uumpisang magtatayuan ang kanyang balahibo. Kahit na sa alaala ay napakahiwaga ng boses sa kanyang mga tainga.
"O nakapagbanlaw ka ba ng maayos nyan. Halos kapapasok mo lang doon sa banyo ah", nagtatakang wika ng ina. "Nagmamadali na kasi ako talaga inay", mabilis na sagot ni Ulysses. Pupuntahan ko pa po sa bayan si Tito Manuel dahil nasiraan siya ng sasakyan buti malapit na daw siya sa talyer. Mekaniko si Ulysses sa sarili niyang talyer sa bayan. Isang taon na rin siya mula noong nakatapos sa kolehiyo sa kursong Bussiness Administration . Pero minabuti niya na lang munang palaguin ang naiwang talyer ng ama. Sumakabilang buhay si Mang Ador ilang buwan lang ang lumipas pagkatapos niyang makapagtapos ng pag-aaral. Mabait na anak si Ulysses. Pangalawang anak siya nila Aling Yolly at Mand Ador. Sa edad na beinte dos anyos kaya niya ng mabuhay ang sarili. Sa kanyang kinikita sa talyer kaya niya na rin bumuhay ng pamilya. Pero wala pa sa kanyang bokabularyo ang mag-asawa. Ayos na muna sa kanya ang walang kasintahan dahil para sa kanya ang paghahanap ng mamahaling babae ay paghahanda na para sa tahimik na kalagayang may pamilya.
Aalis na siya patungong bayan. Napakisig ni Ulysses sa kanyang pormang tshirt lang at maong na pambaba. Simple ito kung magsuot pero napaka pansinin ang dating dahil sa tangkad niyang kulang sa anim talampakan. May kakaibang kaputian si Ulysses na tila may dugong bughaw. Siya lang ang may ganoong kulay sa kanilang mag-anak. Matangkad din ang kanyang ate Riza pero makinis na morena ito nakuha ang kulay ng kanilang mga magulang.
Napalingon siya sa matandang puno Balete nang siya ay nagdaan. Payapang hinahawi ng hangin ang mga dahon nito. Malinaw din ang tubig na umaagos sa bukal. Pakiramdam niya may kakaiba na kesa mga dati niyang tingin sa puno. Tila nang-aakit pa itong siya ay huminto. Matanda na ang puno ayon sa mga taga roon. Maraming hiwaga ang meron sa puno. Isa na si Ulysses ayon sa kanyang lolo noong nabubuhay. Tinatanong niya sa kanyang ina kung anong ibig sabihin ni Lolo Andres. "Wag mo na intindihin iyon", tanging sagot ng kanyang ina. Kwentong pambata lang umano iyong sinasabi ng kanyang lolo Andres ." Ang tanging sinasagot ng kanyang ina. Mahilig kasi ang kanyang lolo Andres magkwento sa mga bata sa kanilang lugar noon. Dinadayo pa ito ng mga kaedaran niya para lang makinig sa kwento nito.
BINABASA MO ANG
Princess Dana (Completed)
FantastikSiya ay engkantadang maganda at masungit. Hindi naman dating ganoon si Prinsesa Dana. Naging masungit siya ng maparusahan dahil sa pamamalagi niya sa mundo ng mga tao. Pinakamamahal na prinsesa sa kaharian ng mga mabubuting engkanto. Magkaiba man an...