BATA
Di dapat palakihin ang bata sa saya
Kung nadapa, paano nalang sya?
Kung lumaki'y walang hihinting ginhawa
Pusher nalang ba ang sasalo sa kanya?
Ang bata'y dapat naglalaro,
Damhin ang simoy ng hangin
Ngunit ang polusyon ang nagnining-ning.
Dapat pa kayang huminga ng malalim?
Ilog dito, Ilog doon.
Ako'y tumalon, basura'y tumilapon
Pati ba naman ang tubig may polusyon?
Baka naman ma-impeksyon.
Ako nga ay bata.
Sila naman ay matanda.
Mga babae, lalaki, bakla, at tomboy...
Muli't-muli, Ako parin ay bata!