ACTIVITY

214 8 3
                                    

Blythe's POV

Hindi ko maiwasang mailang sa dami ng tao dito sa school, ano ba yan ang dami-daming tao pero di ko pa din sya makita, san na kaya yon?

"Uy babaita, nung tinitignan mo jan?" sabi ng kaibigan kong si Shao

"Anjan na ba si Izaiah?" pabulong kong tanong sakanya

"Yieee HAHAHA, oo jan na sya ayon oh" sabi nya sabay turo kung nasan si Izaiah, WT??!! Bat may kausap syang babae? At malala bat hawak nung babae yung kamay nya??!!

"Grabe yang tingin teh ah, galit na galit gusto manakit?" natatawang sabi ni Shao

Tsk bala sila jan mag sama sila.

Naiinis kong nilapag yung bag ko pag dating namin sa room, di padin ako nakaget over sa nakita ko kanina.

Habang hinihintay ko yung teacher namin ay nag basa muna ako baka sakaling mawala yung pag kainis ko, bigla naman may pumasok na group ng lalaki na sobrang ingay at tama nga ang hinala ko yun yung mga kaibigan ni Izaiah.

Hindi ko maiwasang mapatingin sakanya pero nagulat ako ng bigla din syang tumingin kaya bigla akong nag iwas ng tingin. TH?!!!

Buti nalang dumating agad yung teacher namin. Habang na sasalita yung teacher namin ay wala akong maisip na matino dahil sa nangyari kanina arrgghh.

Lumipas ang ilang oras ay nagulat na lang ako ng bigla akong tawagin ng teacher namin

"P-po?"

"Sabi ko si Izaiah nalang uupo jan sa tabi mo kasi masikip don sa pwesto nya" sabi ng teacher namin

"H-ha? S-sige po" ang dami namang upuan bat dito pa sa tabi ko??!! Baka mailang lang ako

Blythe kalma lang baka mahalata ka.

"Ok class, naalala niyo ba yung groupings niyo dati?" nagsi tunguan naman yung mga kaklase ko "So ayun yung magiging groupings natin ngayon, bubunot kayo dito sa nasa kamay ko at kung anong nakalagay na event don ay yun yung gagawin niyong dula dulaan"

So ayun bumunot na nga yung mga leader at pang group 3 ako kasama ko si Izaiah

"Pwede muna kayong lumabas para makapagusap kayo sa gagawin niyo" pagkasabi na pagkasabi ni maam non ay nag si tayuan na yung nga kaklase ko para lumabas kaya lumabas nadin ako

Habang naglalakad ako papunta sa group ko ay bigla nalang may tumakbo sa gilid ko kaya muntik na kong matumba buti nalang may sumalo sakin, pag tingin ko ay si Izaiah yun, nagkakatitigan kami saglit ng may marinig kaming boses ng mga demonyo kong kaklase kaya umayos na kami

"Nako sweet nemen"
"Sana all"
"Kayo na??"
"Ay na fall? Buti may sumalo "

Yan yung mga sinasabi ng mga hinayupak kong kaklase, masyadong epal sa moment joke lang HAHAHA

Nung tinignan ko si Izaiah ay namumula yung mag kabilang tenga, ay anyari?

"So guys kasal ang napili natin, sino gusto maging bride and groom? " tanong ni leader

"Ako nalang yung bride tas si Izaiah nalang groom, para wala ng away" sabi nung pabida kong ka group na may gusto kay Izaiah, landi te ah may pambili ng liptint pero walang pambili ng tawas, tsk.

"Wag di bagay mas bagay sila ni Blythe"

"Kaya nga, yung scene palang kanina pinakilig na tayo pano pa kaya kung mag papakasal na sila diba?"

"Ya"

"Ako na nga diba ayaw niyo pa ako na nga tumutulong para di mag kagulo eh, daldalan pa"

"Tama na yan tanong nalang natin si Izaiah kung sino mas gusto niya" saway ni leader sakanila kaya lahat ng mata namin ay nakatutok kay Izaiah

Napatingin naman sya sakin bago nya sabihin ang salitang "You"

"Yiiieee!!" kantyawan ng mga kagroup ko

Feeling ko pulang pula na yung pisnge ko dito kaya tumayo muna ako at tumalikod para takpan yung pag pula non at para di nila makita

"Final na yun ah si Blythe na yung bride at si Izaiah na yung groom, script nalang kulang"

Bigla namang may yumakap sakin habang nakatalikod ako, sa amoy palang nya kilala ko na sya

"Just be mine and I will make you my everything" sabi nya kaya halos lahat ng kaklase ko ay nag tilian "Please wife?"

"I-izaiah?"

"Ano na tong nangyayari dito? Nag grugroupings pa ba kayo? Ano bang nabunot nyo? " biglang sulpot ni maam kaya napakalas nalang ng yakap si Izaiah

"Kasal po, May naisip na po kami" sabi ng leader namin

"Nako sa groupings talaga nag umpisa ang lahat" asar ni maam kaya nag katinginan kami ni Iziah at parehas namula. Sa groupings lang pala mag uumpisa ang lahat eh.

The end...

_____________________

Thanks for reading!! :3






Groupings (OneShot) Where stories live. Discover now