(Myles' POV)
One week na kaming nandito sa New York si Cindy wala parin kapagod pagod sa kahahanap kay Raye. Madaming beses ko na siyang sinubukang i-discourage pero wala. Talagang buo ang desisyon niyang hanapin si Raye. Kung bakit naman kasi tong si Raye eh... haaay naku talaga. Naawa na ako kay Cindy, once lang ako sumama sa kanya sa paghahanap kaya alam ko kung gaano siya ka pursigido sa paghahanap kay Raye. Nung nakita ko siyang ganun parang gustong gusto ko ng itext si Raye eh, kaya lang nangako kasi ako kay Raye na walang makakaalam kung nasan siya kahit pa daw si Cindy ang maghanap sa kanya. Actually aksidente ko lang siyang nakita nung nakaraang buwan bago pa pumunta si Cindy dito. Pinapunta kasi ako ni dad, tapos sa isang gathering doon ko siya nakita kasama niya si kuya Nathan at si Ate Maricar sila ang una kong nakita bago si Raye.
Flasback a month ago:
Ang boring naman dito bakit kasi ako pa ang pinapunta ni dad dito pwede naman si Michael nalang, wala naman akong balak na maghandle ng business niya eh, tsaka hindi ko iiwan si mama sa Pilipinas noh. Kung makarequest naman kasi si dad, may sakit daw siya un pala sakit sakitan lang para mapapunta ako dito. Naku naku talaga! Sa hall ng isang Hotel kasi ginanap yung gathering parang business gathering ata to, ipapakilala na ata yung succesor ng isang business partner ni dad. Kaya nakaformal, nakadress ay mali nakagown pala ako dito cocktail dress parang ganun basta anu ba naman kasing alam ko sa mga ganto eh wala naman akong hilig mag dress. Hello lesbian ako kaya hindi ako nagdre-dress noh! Maya-maya pa, nakita ko na si kuya Nathan. Kaagad ko naman siyang nilapitan nasa kalapit na table lang sila.
“kuya Nathan? Is that you?” tanung ko sa kanya, di kasi ako sure kung siya nga yun. Pag harap naman niya sakin confirmed si kuya Nathan nga!
“Oh, Myles, ikaw pala yan. What are you doing here?” nakangiting tanung ni kuya Nathan
“I'm here in behalf of my dad...” maikling sagot ko sa kanya. Nung itatanung ko na kung kamusta si Raye, bigla naman silang dumating kasama ang ate niya, kaagad akong lumapit sa kanya
“Raye!, kamusta ka na? I missed you!” nakayap ako sa kanya. Nung hindi siya sumasagot tumingin ako sa kanya
“Myles... p-please don't tell them...” maikling sagot niya saakin
“ha? Anung ibig mong sabihin?”
Matagal bago siya nakasagot. Nakayuko lang siya, tinignan ko sina kuya Nathan at ate Maricar same lang sila ng reaksyon, seryoso at tahimik parehong nakatingin kay Raye. Magtatanung na sana ako nung biglang nagsalita na si Raye.
“Myles can we talk outside?...” sabi niya sakin seryoso yung mukha niya, tumango nalang ako at sumunod sa kanya palabas ng hall. Pag dating namin sa labas may katagalan din bago siya nagsalita, magsasalita na sana ako nung bigla siyang nagsalita.
“Myles... please wag mong sabihin sa kanila na nakita mo ako. Huwag mong sabihin kung nasaan ako. Please...”
“pero bakit?”
“hindi ko pa sila kayang harapin.....”
“Raye, pano si Cindy?” Natigilan siya nung marinig niya yung pangalan ni Cindy, nahalata ko sa kanya na gustong gusto niyang makita si Cindy.
“Please, kahit kay Cindy wag mong sabihin na nakita mo ako, please...” sabi ni Raye saakin
“Raye, alam mo tanggap namin yung nagyari at isa pa wala kang kasalanan doon, wag mong solohin yung mga nararamdaman mo. Nandito naman kami para damayan ka eh, lalong lalo na si Cindy... alam mo bang sobra siyang nalungkot nung bigla ka nalang nawala?....”
BINABASA MO ANG
Shitsuren II
Romanceeto na eto na ang karugtong ng lovestory nila! Ang lovestory nina Raye at Cindy