"SANA MAULIT MULI"

111 2 0
                                    

SANA MAULIT MULI”

Pag-ibig? Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Lahat tayo ay marunong magmahal ngunit kakaunti lamang ang nakakaalam ng tunay na kahulugan ng pag-ibig o pagmamahal. “Pag-ibig”, isang simpleng salitang mahirap ipaliwanag lalo na sa taong hindi pa nakakaranas umibig. Ito’y madalas ihalintulad sa pagsasabi ng “Mahal kita” o “I Love You” sa Ingles bilang isang paraan na nagpapatunay na ika’y umiibig o nagmamahal.

Ang salitang “Mahal kita” ay madaling sabihin sa panahon ngayon dahil ito’y parang pagsasabi na lamang ng isang simpleng “Hi o Hello” ngunit ito’y mahirap ipakita at patunayan. Hindi sapat na marinig ng tenga at makita ng mata kundi ay ang maramdaman ng puso at maisip ng utak na ito’y tama hindi lamang para sa kanila kundi para sa ikaliligaya at ikasasaya ng lahat. Naranasan mo na bang umibig? Paano ang pakiramdam? Paano nito pinanghawakan at pinatakbo ang buong mundo mong noon ay walang malay sa salitang “Pag-ibig”.

Sabi nila ang pag-ibig ay panandalian at hindi pang matagalan. Sa love hindi mo kailangang mangako para lang mapatunayan mo na mahal mo ang isang tao, hindi mo alam na dahil sa pangakong ito makakasakit ka ng taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka lang. Ang pagmamahal hindi minamadali, darating yan sa tamang panahon at pagkakataon, kung kailan maayos na ang lahat at kung kailan handa ka na para dito, kasi pagbalibaliktarin man ang mundo kung para sayo talaga siya babalik at babalik pa rin siya kahit ilang beses pa siyang mawala.

Paano pag kung ang taong sobra mong minahal, na kung saan pinakita niya kung gaano kaganda at kasaya ang pakiramdam ng isang umiibig at may nagmamahal sa kanya? Ano kaya ang iyong gagawin kung siya’y biglang nawala? At sa muling pagbabalik niya’y ipagtabuyan ka na lang ng basta-basta? Saan na kaya napunta ang mga masasayang oras na kayo’y magkasama? Kinalimutan na’t binaon na lang sa lupa ng ganun-ganon na lang! Ang hiling na “SANA MAULIT MULI” na lang ba ang tanging pag-asa para bumalik ang saya at mga alaala ng nakaraan. “SANA” means isang malaking walang kasiguraduhan pero lagi mong inaasahan.

Isang totoong kwento nang pag-ibig na kung saan ito’y nahamak at nasubok ng panahon at pagkakataon. Ito’y kwento ng dalawang kabataan na umibig sa isa’t-isa sa unang pagkakataon. Itago na lang natin sila sa pangalang Airam at Xander.

KABANATA 1: UNANG PAGKIKITA

Unang araw ng klase ni Airam sa isang mababang paaralan sa Cagayan, habang naglalakad siya ay may nakabunggo sa kanya, isang lalaking hinid niya kakilala. Nahulog ang mga gamit na dala-dala ni Airam. Ito’y pinulot at inabot ng lalaking nakabunggo sa kanya at sabay sabing “Okay ka lang ba? Sorry, di ko sinasadya.” “Ayos lang naman ako”, sagot ni Airam. “Sorry talaga, sige kailangan ko ng umalis. Mauna na ako sayo,”, dagdag pa ng lalaki sabay takbo papaalis.

 Pagpasok niya sa kanyang silid-aralin ay nakita niya doon ang lalaking nakabangga sa kanya. Nakita siya ng lalaking pumasok at ngumiti sa kanya sabay sabing “Miss, dito ka na lang sa tabi ko maupo tutal wala pa naming nakaupo.” Napangiti si Airam at umupo sa tabi ng lalaki sabay sabing “Salamat!”. “Wala yun, kumpara sa nagawa ko sayo kanina. Ako nga pala si Xander.”, winika ng lalaki. “Ako rin naman si Airam” sagot ni Airam.

Isang pagkikitang di inaasahang mangyari. Pagkikitang nagbigay ng pagbabago sa buhay ng isang ordinaryong babaeng walang ibang ginawa kundi igugul ang panahon sa pag-aaral at sa pamilya.

KABANATA 2: PAGTATAPAT NG NARARAMDAMAN

Makalipas ang ilang araw ay sobrang napalapit ang loob ni Airam kay Xander, di tulad sa mga iba pa nilang  kaibigan. Simula noon ay araw-araw na silang magkasama, nagkukulitan at nag-aasaran dahil dito madalas silang asarin ng “Uy, ang sweet nila.. Ibloblog ko yan!” ngunit madalas na lang nila itong tinatawanan at sinasabing “Magkaibigan lang kami!”.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"SANA MAULIT MULI"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon