Chapter 12// Are You Stalking Me?

938 16 2
                                    

Tom's POV

Back to school nanaman kami....

Nakakabitin ang Christmas vacation namin parang ayaw ko nang umalis sa Bulacan kung saan kasama ko si Jade. Kung saan solong solo ko siya.

Haaayyy... Kailan ko kaya ulit siya masosolo?

Ito nanaman ako, nakayukyok sa table ko at ang mga classmates ko naman walang tigil sa kwentuhan nila about sa bakasyon nila. Lahat sila bitin.

Ito namang si Jade, back to normal. Tahimik na nagbabasa ng libro. Hindi niya ako pinapansin at parang wala lang sa kanya yung nagyari saming dalawa. Ang bilis niyang maka move on.

"Hey Jade! Belated happy birthday!" -Gabe

Tumango lang si Jade sa kanya. Gaya ng dati, walang paki at walang kibo. Bumalik na ang dating Jade.

"Kamusta naman ang Christmas vacation kasama si Tom? Hindi ka naman ba.... Alam mo na. Tirador tong si Tom eh." Oops.. Hindi dapat sinabi ni Dave yun. Nag-iba na tuloy ang timpla ng muka ni Jade. Tinitigan tuloy siya ng masama ni Jade. "Ahh.. Eh.. Jo...joke lang. Hindi na mabiro tong si Jade." Edi natakot din tong si Dave. Hahaha hindi naman talaga nabibiro si Jade eh.

Pumasok ng room sila Donna kasama ang mga minions niya. Gaya ng dati, hindi talaga nagsasabay ng pasok sila Jade at Donna.

"Jade, how are you? Birthday mo pala nung nagchristmass party kami. Kaya pala wala ka." -Sher

"Oo nga hindi mo man lang sinabi. Pati si Donna hindi alam. Next time naman isama mo din kami sa Bulacan. Nakikita kasi namin yung IG posts nila Donna at Tom. Mukang maganda sa lugar niyo." -Mandy

Hindi kumikibo si Jade at putuloy pa ding nagbabasa. Nababasa ko ang iniisip ni Jade. Siguro iniisip niya na... "Ang kapal naman ng muka nitong babaeng to. Feeling close at gusto pang pumunta sa lugar namin."
Hahaha ano ba yan, natatawa tuloy akong mag-isa para akong baliw.

"Bakit nakangiti ka Tom? Siguro okay lang na sumama kami next time? Maybe, sa summer vacation? Okay lang yun no Tom?" -Carol

Ang hitsura ni Donna, parang hindi pabor sa sinasabi ng mga kaibigan niya. Si Jade naman, tiningnan ako ng masama. Akala siguro niya okay lang sakin kaya ako nakangiti.

"Ah.. Eh.. " Ano ba yan, wala akong masabi.

"Private kasi yung lugar na yun girls. Uhm.. Sa ngayon hindi muna makakapag decide si Jade tungkol diyan." Buti na lang at nagsalita na tong si Donna at hindi nakakunot ang noo ni Jade. Thanks god.

"Okay.. Pero belated happy birthday Jade." -Carol

"Thanks.." Parang pilit pa yung pasasalamat ni Jade. Ang kukulit kasi ng mga minions ni Donna at hindi sila marunong mahiya palibhasa mga spoiled brat.

Buti naman at nagsi-alisan na sila at bumalik sa pwesto nila.

"Jade, gift ko for you. Belated happy birthday." Hindi akalain ni Jade na bibigyan siya ng regalo ni Tina. "Saka Jade, saan ko ba ilalagay tong mga regalo mo?" Anong mga regalo ang sinasabi ni Tina? "Pasensya na akala ko hindi ka papasok eh. Saka, thank you sa gift." Kinuha ni Jade ang mga regalo sa upuan ni Tina at nilagay sa baba ng armchair niya. Ang dami! Hindi ko napansin yun ha. At teka, bakit may red roses pa? Sinong loko ang nagbigay ng roses?! Humanda sakin yon!

"Kanino galing yan?" Tiningnan ni Jade ang roses tapos tumingin ulit siya sakin sabay kibit balikat. "Basta pagdating ko dito, nakalagay lahat ng yan sa upuan ko." Hindi na ko kumibo at naiinis nanaman ako. Langya naman Jade, ang dami ko nanamang kaagaw sayo.

I was made for Loving youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon