Chapter 1 : Monster

180 5 0
                                    

A K I R A

*Crrrriiiinnng* bell rings

Hala!Late na ako!

Bakit ba naman kasi nasa Last floor pa ang classrooms ng mga 4th year eh,tapos wala pang elevator.

Kapag talaga ako di na nanganak pananagutan ako ng hagdan dito.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa 'di ko namalayan na malapit na pala ako sa classroom ko at heto na nga,huminto na ako sa tapat ng pintuan at huminga muna ng malalim.

In 3,2,1........

*Bogsh!*

"Arrraaayyy" sabi ko at hinawakan ang noo ko,Awwww.

Tumingala ako para tignan yung matigas na pader,este dib-dib pala ng tao na tumama sa noo ko.

Pakiramdam ko ay lalong naalog ang utak ko ngayon."Ah hehe,okay lang ako." sabi ko at nag-fake smile pa habang tumatayo.

"Buti naman." sabi niya at lumapit saakin.

Ayan na.....

Malapit na.....

Heto na talaga....

Ehhh?

Laking gulat ko ng linampasan niya lang ako.

Di man lang ba siya magpapa-sorry?!

"Tsss,wag ka nang umasa diyan girl,di ka talaga kakausapin non" sabi ni Hannah habang kinukuha ang bag ko,buti nalang talaga at nandito ang Bff ko.

"Oh,tapos na ang show!Get back to your places" pagtataboy niya sa kumpulan at hinila ako para umupo na.

"Tsss,mga lalaki nga naman.Ganun ba talaga ugali non?" inis na tanong ko.

"Sus!Parang di mo naman alam,siya lang naman si *drumrolls* Siwon ang Campus Bipolar Prince" natawa naman ako ng biglang hinaan ni Hannah ang boses niya dahil bumalik na nga si Monster.

Unang araw ko nga pala dito ngayon dahil kakabalik lang namin sa Pilipinas.Mahabang kwento pero masaya ako at finally bumalik na din ako sa pinanggalingang lupa ko.

Umupo siya sa may left side ng table kung nasaan ako,akalain mo yun,seatmates pala kami,hindi ko man lang alam.

Nahuli niya akong nakatingin sakanya at inirapan niya lang ako.

Aba!Sumosobra na sa pagkayelo to, kala mo naman sinong gwapo tss.

Nag-discuss na yung prof at syempre nakinig naman ako ng mabuti.Kung di niyo naitatanong ay running for Valedictorian ako kaya ganun.

Napatingin ulit ako dun 'daw' kay Siwon at naka-earphones lang siya. Tssss!Jerk. Hari-harian ang peg, ugaling kontrabida naman talaga.

Maya-maya pa ay tinawag siya nung prof. namin para sumagot sa board.

Sige,tignan natin ngayon *Evil grin*

"Can you solve that problem,Siwon?" sabi nung Prof. namin.Hindi naman sumagot tong si Mr.Bipolar Prince kunno

"Oh,let's have Ms.Akira first." sabi ni Prof. kaya tumayo ako at agad na sinolve.

Oh great, mathematics.

Nang matapos na ako sa solution at isusulat ko na yung answer ay bigla siyang nag-salita.

"The answer is 0 ." sabi niya at napanga-nga naman ako ng marealize na tama siya.

Ang haba-haba ng solution ko for Pete's sake!

"Very good Mr.Siwon.Students you know that Siwon is the walking scientific calculator in class right?He can solve problems without showing their solution." Paliwanag ni Sir at pinaupo ako.

O edi siya na mukhang calculator!Aaminin ko naman na di ko forte ang math but still!

Grabeh!May mas gaganda pa ba sa araw ko?

Ugggh!I hate every inch of HIM!

Maya-maya pa ay nag-ring na ang bell,ibig sabihin ay lunch-break na.

Thanks God! at mawawala na po sa paningin ko ang monster na nilalang na ito.

Dumiretso kami ni Hannah sa Cafeteria at kami ay kakain na.

"Ano sayo?Ako na oorder,hanap ka nalang ng table." sabi niya.

Binigay ko sakanya ang order ko at kaagad nang naghanap ng table.Sakto at may nakita pa akong isang table sa dulo.

Dali-dali akong umupo dun pero pagka-upo ko ay may halimaw na sa harap ko.

"Nauna ako." sabi niya.

"Nauna ako sayo mas mahaba lang talaga yang legs mo." sabi ko naman at inirapan siya.

"Fine whatever you say,I still came first." sabi niya at inirapan ako. Kung di lang ako tinuruan ng magandang asal ng magulang ko baka nasapak ko na ito sa sobrang inis.

"Prince Siwon, mawalang galang na po sainyo pero nauna ako dito so please maghanap ka nalang ng ibang table." Mahinahong sabi ko.

"This is my seat." Walang ganang sabi naman niya.Napapikit ako at di ko na napigilan ang sarili ko.

"Aba't talaga naman, excuse me sir, sa pagkakaalam ko magiging sayo lang ang isang bagay kung may pangalan mo, at base din sa nakikita ko, hindi naman nakapangalan sayo itong upuan so this is basically not.your.seat!" Huminga ako ng malalim pagkatapos maglintanya sa harap niya.Kagigil.

"Then you don't own your brain too." Sabi niya at tumingin sakin ng diretso.

"W-what?!" Di makapaniwalang tanong ko.

"Your brain doesn't have your name on it, that means you don't own one, or basically you don't have one." Sabi niya nang ginagaya pa talaga ang tono ng pagsasalita ko.

Sa sobrang inis ko sakanya ay sigurado akong umakyat na lahat ng dugo sa mukha ko kaya malamang ay namumula na ako ngayon.

Sasagot pa sana ako ng bigla namang dumating si Hannah,giving me the 'What-the-hell-is-happening-here-look'

~oOo~

Date posted : August 22,2017

P.S. I wrote this when I was in Grade 8, and I am reposting this now  in my SH year.

That Bipolar Prince of MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon