Nandito ako ngayon sa kwarto ko,nag-iimpake para hindi na ako pagalitan ni Monster Siwon bukas.
Palaisipan parin sakin kung bakit parang close na close sila ni Mama.
Ahhh...Siguro dahil kay Tita Lhaine,kaibigan siya ni Mama diba?Oo tama ,ganun yun!
Pero bakit hindi ko talaga siya maalala?Diba dapat kilala ko rin siya?Dahil ba sa nangyari sakin bago kami lumipat sa Korea noon?
Bahala na nga,malalaman ko rin naman sa tamang panahon.
-
Pagkatapos kong mag-impake ay naligo na ako at dumiretso sa kama ko.
Waaaah!Nakakapagod ang araw na ito.
Bwisit talaga si Monster bakit ako pa yung napagtripan niya ipakikila bilang girlfriend niya?Dahil ba sa pagkakabunggo namin?Grabe naman pala siya magparusa kung ganun.
Haist!
Pumikit ako at natulog na.Maloloka lang ako kung iisipin ko pa iyon.
-
Kinabukasan ay Saturday na,hayy!Makikita ko nanaman ang mukha ni Siwon.
Nagbihis ako ng black sando at violet na jogging pants tapos kinuha ko ang Ipod ko at earphones.Lumabas ako para mag-jogging.Pumili ako ng kanta at sinaksak na sa tenga ko yung earphones ko.
Tinali ko muna ng maayos yung sintas ng rubber shoes ko at tumuloy na.
Wala pa akong masyadong nadadaanang tao,6am
palang kasi.Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makakita ako ng isang Park.Umupo ako sa may bench at nagpahinga muna,tumutulo pa nga ang pawis ko eh.Napalingon ako sa bench na inuupuan ko,may napansin akong nakasulat sa upuan ng bench.
'I'll wait for you squishy.'
Squishy?Weird.
Napalingon naman ako ng maramdaman kong may tumatakbo at nagulat ako ng makita kong may isang gwapong nilalang na palapit na sa lugar ko.
Dali-dali akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtago sa likod ng puno.
Nakita ko siyang umupo dun sa bench.
Hinihingal siya at uminom siya ng tubig.Kitang-kita ang pagtulo ng pawis sa leeg niya at basang-basa ang sando niya kaya hapit na ito sa katawan ni Siwon.
Biglang bumilis ang tibok ng puso sa pagtitig ko sakanya.
Hayy nababaliw na ata ako at kung ano-ano na ang na-iimagine ko tungkol kay monster.
Pinapawisan lang siya Kira,normal lang yun.
Oo tama!
Pero bakit ang ano kasi eh....
Aish!
*Pokkk*
"Ay Kabayo!" nagulat ako ng makitang nasa harap ko na si Siwon at talagang kinutusan niya pa ako.
"Tapos mo na ba akong pagpantasyahan?" tanong nito ng naka-ngisi.
"A-asa ka naman!" utal kong sagot sakanya.
Linagay niya ang kamay niya sa may puno kaya naman nakakulong ako sakanya ngayon.
"Sigurado ka?" tanong niya habang lumalapit saakin.Napalunok ako pero di parin ako nagpatinag sa kanya.
BINABASA MO ANG
That Bipolar Prince of Mine
Teen Fiction"What did I ever do to you, for me to deserve this?!Wala naman diba?" tears dwelled in her eyes, desperate to hear his answer. "Wala kasi wala kang maalala!Tell me, do you even remember me?NO." he answered furiously. Can you stay with his side if th...