My Nailcutter Love! (Witchy Bracelet series)

359 25 6
                                    

Witchy Bracelet!

Property Of Jamerlah Shimai (Jamerlah Sisters: Keen and Skiela)

[All rights reserved 2010, AHS RAYS volume 19: No1., THE OFFICIAL PUBLICATION OF AHS]

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Recess sa paaralang FLEUR.

Ang magkaibigang Xianyca at Steven ay nag-uusap sa loob ng Canteen.

"Hay naku! Ang gwapo talaga ni Jasper", sambit ni Xianyca na nakatingin sa mesang nasa bandang kaliwa nila.

"Yan? Di hamak na mas gwapo pa ako diyan. At isa pa siya ang campus crush kaya marami kang kaagaw", pakli nito sabay agaw ng kinakain na siopao.

"Sus bitter! Yang peslak mong goofy? Itatapat mo kay Jasper? Naku pards..." Tinapik ni Xianyca ang balikat ni Steven.

"........gumising kana! Kuko lang ni Steven yang mukha mo", nakangiting sabi ni Xianyca

Magkaibigan ang dalawa mula noong bata pa sila. Kapatid, kabarkada, kapuso ang turingan nila. Ate figure si Xian kay Steven mas matanda kasi siya ng isang segundo. Nung ipinanganak sila at iregister ang name nila ay nadapa yong nurse ni Steven kaya nauna si Xian ng isang segundo sa pagregister xD

Naging magkaibigan sila nang lumipat ang pamilya ni Xian sa FLEUR Village at nagkakilala sila doon. Bale hindi sila magkakilala before that (Author: Tanga me noh?Syempre hindi talaga XD)

Naglalaro sa ulan, sa putikan, sa imburnal, sa kanal at kung saan-saan na sila napapadpad noong bata pa sila. Hindi sila mapaghiwalay ng pamilya dahil nagha-hunger strike ang peg nila pag nagka ganun! Isang school, isang section mula elementarya kahit ngayong high school na sila.

"Grabe namang kuko yon...nakakatakot!", ngisi nito.

"So inaamin mong nakakatakot yang mukha mo?! hahaha I'm proud of you...you accept realities pala!”

"What I mean is nakakatakot yon kasi paano ba naman kung ganun mas gwapo pa kuko niya kesa sa mukha niya!", sabay tayo ng babatukan ito ni Xian.

"Ang nipis din ng mukha mo noh?

"Soft and smooth ito...alagang silka papaya eh!", at hinipo pa mukha na inilapit kay Xian.

Kinurot naman ito ni Xian.

"Anong smooth and soft eh parang sementadong kalsada ito eh”', tatawa-tawang sabi.

"Hoy kayong dalawa akala niyo kayo lang tao dito sa canteen. Xian halika na nga..sasamahan mo pa ako mamili ng gamit para sa Prom natin", si Zillah na hinila si Xian patayo.

"Hoy san mo dadalhin si Xian ko ha?!", si Steven na agad na hinawakan si Xian.

"Xian Xian ko your face. Hoy Mr. Steven Harrison share mo naman si Xian...

"Ayaw ko eh...baka agawin mo siya sa akin".

"Pag-aari mo ba siya?! Hoy hindi lang ikaw ang kaibigan niya noh!

"Maghanap ka din ng kaibigan mo wag kang nang-aagaw ng kaibigan ng may kaibigan!

"Ang damot mo naman!

"Shhhh...Shhhh...STOP! Para kayong mga bata..haler andito ako sa gitna niyo oh! Zill hanggang 4 lang tayo ha..sabi kasi ni Daddy may dinner daw kami mamaya kasama sina Tita Stella..", ito ang Mommy ni Steven. Business associates kasi mga Daddy nila.

My Nailcutter Love! (Witchy Bracelet series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon