Ngayon, sobra talaga ang saya ko. Akala ko nung huli ko syang nakausap, wala nang pag-asa para sa akin. Pero ang solusyon lang pala ay paghihintay.
Totoo palang lahat ng bagay na nangyayari ang nakatakda sa tamang panahon.
Pagkatapos ng drama moment namin ni Venus, nagkasundo kami magpakasaya sa pagkain. Dinala ko sya sa Mcdo. Masarap talagang kumain kasama ang taong mahal ko ng sobra.
Tapos dumiretso kami sa computer shop. Alam nyo naman siguro kung bakit, ang magdota.
This time, nananalo na ako. Nakangiti sya habang naglalaro.
"Pinaghandaan mo ang rematch natin no?" pagbibiro nya.
"Oo naman, ayoko nang matalo ulit," sagot ko.
Tapos nagtawanan kami, napapangiti nga din ako habang naglalaro. Tuwang tuwa ako maglaro kasama sya.
Nung matapos kaming maglaro, bumalik kami sa school. May nakalimutan daw kasi si Venus kaya binalikan namin sa room. Pagdating doon, walang tao. Umupo ako saglit sa armchair, may tumawag sakin.
"Hey Akashi pare!" si Andrei pala, manliligaw ni Rae.
"Oy pare, bakit?" tanong ko.
"Ibigay mo naman ito kay Rae bukas," iniabot nya sakin ang isang maliit na teddy bear.
"Bakit hindi nalang ikaw ang magbigay?" tanong ko ulit.
"Busy ako bukas pre," sagot nya.
"Sige, ako nalang magbibigay bukas," tapos dumating si Venus dala yung naiwan nya.
Umalis na kami pati si Andrei kasi may klase pa sya. Hinatid ko sya tapos umuwi na ako.
Sobrang dami ng nangyari sakin ngayon araw. Akala ko hindi mangyayari pero si Venus pa mismo ang lumapit sakin kanina.
Feeling ko kinilig ako ng konti sa saya. Naligo muna ako kasi mukhang kailangan ko to. Para magsink-in sa utak ko lahat ng nangyari.
Nung matapos ay umakyat ako sa kwarto para magpalit nang may narinig akong kumakanta sa loob. Nakakatakot namang pumasok, parang may bigla nalang bubulaga pagpasok ko.
Nilakasan ko nalang ang aking loob at pumasok. Walang tao pero pakinig ko parin yung kumakanta, ang creepy naman.
Hinanap ko yung phone ko at may nagtext pala. Mahaba lang yung ringtone kasi buong kanta.
Binuksan ko at si Andrei pala.
"Pre wag mong kalimutan yung teddy bear."
"Oo na, tiwala lang," sagot ko.
"Dapat matuwa si Rae ha," dagdag nya.
"Mahal mo ga?" tanong ko.
"Oo."
"Iyak mo," pagbibiro ko.
"Bushet ka!" sagot nya.
Tapos nagbihis na ako at natulog. Medyo napagod yata ako.
--------------------------------------------------
Hey guys...
VOTE kayo hah <3
Thanks :-)

BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Roman pour AdolescentsDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.