Pagdating ko sachool, nandun na agad si Venus. Inagahan nya pala para maunahan ako. Muntik ko nang makalikutan yung padala ni andrei kanina, buti nalang at nagtext ulit at pinaalala. Nilapitan ko si muna si Venus para magpaalam.
"Hey may pinadala lang sakin si Andrei para kay Rae ha."
"Yep go ahead," pagpayag nya.
Tapos kinuha ko yung teddy bear sa bag ko. Binigay ko sa kanya-kay Venus.
Bumili kasi ako kahapon pagkatapos kong ihatid siya. Hinugot ko sa bag ko yung isa pa tapos binigay kay Rae.
"Here, galing to kay Andrei."
"Si Andrei talaga," ngumiti sya.
"Mahal mo na ga?" pagbibiro ko.
"Hindi pa, natuwa lang ako," sagot nya.
Tumawa ako, grabe natawa ako dun sa reaction ng mukha ni Rae nung biniro ko.
Tapos bumalik na ako sa tabi ni Venus. Mahirap na, baka magalit. Maya-maya ay dumating na yung prof. Pinapunta kami sa tabi ng partner namin kaya bumalik ako sa tabi ni Rae. Pumalit naman sa puwesto ko si Mark. Shet, busy hour nanaman, tinuro nung prof ang gagawin tapos hinayaan na kaming magtrabaho.
Habang nagagawa may sinabi sakin si Rae.
"Kayo na pala ulit."
"Oo, sobrang saya ko nga," sagot ko.
"Hindi halata bes," tapos tumawa sya.
"Paano mo nahalata?" tanong ko.
"Kanina ka pa kasi nakangiti, mula pagbigay mo sakin ng teddy bear hanggang ngayon," sagot nya.
Napatawa naman ako dun sa sinabi nyang yun. Kanina pa pala akong halata na masayang masaya. Siguro lahat silang mga kaklase ko ay kanina pang nakakahalata, pati na rin si Venus.
"Ayos lang yun bes," sabay tawa ko.
Tumawa din sya ng malakas, natapos na pala ang first period at pumunta si Venus sa tabi ko. Nagpaalam lang ako kay Rae tapos naglakad na kami papuntang canteen para kumain.
Nang matapos kaming kumain, bumalik kami sa room. Sobrang nakakaboring talaga ngayon kaya sinalpak ko nalang ang headset ko at nakinig ng music.
May naiisip akong kalokohan. Tumingin sakin si Venus ng nakakaloko.
"Baby ano yan?" tanong ko.
"Gumanti lang ako, nakakaloko kasi ang tingin mo."
"May naiisip lang ako," sabi ko.
"Ano yun?" tanong nya.
"Basta," sagot ko.
Tapos isa-isang dumating yung mga kaklase namin. Sunod na dumating yung prof kaya umayos na ako ng upo at tinanggal ang headset.
Bigla akong nakaramdam ng yakap mula sa tabi ko. Yumakap pala sakin si Venus, nikikilig talaga ako sa tuwing ginagawa nya ito. This time, mejo kakaiba na. Parang magkasamang pagkamiss kasi namiss ko ang yakap nya saka kilig.
----------------------------------------------------
Malapit na, guys salamat sa pagbabasa talaga, I really appreciate it. Pero lalo kong naaapreciate kung magvo-VOTE kayo...

BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Novela JuvenilDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.