Gumanti ako ng yakap kay Venus. Pero hindi naman masyadong kita ng lahat ng aming mga kaklase, nasa likod kasi kami.
Tapos nakinig nalang ulit kami. Sobrang nakakaboring parin talaga, dagdag pa ang boring na lecture ni sir.
Sumulat ako sa isang papel ng 'Nakakaboring noh'. Iniabot ko sa kanya, natawa sya tapos sumagot sakin, "sobra."
Natawa din ako, gusto ko sanang umalis dito sa klase pero nanghihinayang ako. Sayang naman, malapit nang matapos itong sem. Hindi ko gustong mamiss ang lesson namin.
Tapos wala pa akong absent sa subject na to. Kaya kahit gusto ko man ay hindi ko magagawang umalis. Pinapahalagan ko kasi ang binabayad para sa subject (tsarot).
Pagkatapos ng subject na yun, napabuntong-hininga nalang ako. Hay salamat, natapos din ang subject na yun.
"Sobrang nakakaboring," sabi ni Venus.
"Grabe nga!" sagot ko sabay tawa.
"Tara kain," pagyayaya nya.
"Baka naman tumaba ka nyan," pagbibiro ko.
"Hala, oo nga," sagot nya.
"Ok lang kahit tumaba ka pa. Mamahalin kita ng buong-buo," sabi ko.
"Nice. Tara na," sabi nya.
Nagsimula na kaming maglakad papunta sa canteen para kumain. Habang nasa daan ay nakasabay namin sina Rae at Andrei na papunta din sa canteen. Kaya naman sama-sama na kaming pumunta sa canteen at kumain ng sabay-sabay.
Tapos kumain, naghiwa-hiwalay na kami kasi magkaiba ang klase namin. Kami ni Venus ay naglakad na papunta na sa building samantalang sila ay naiwan kasi mamaya pa ang klase nila.
Habang naglalakad, hinawakan ko ang kamay nya. Sobrang lambot nito, para unan lang ang hinahawakan. At napakaliit nito, specifically cute. Kumapit sya sa kamay ko. Unti-unti naman lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Feeling ko nga paramg gusto na nitong lumabas mula sa aking dibdib. Kinikilig na talaga ako sa babaeng to. Pramis, and I like this feeling. Sobrang saya ng pakiramdam kapag kasama ko sya, baka hindi ko na talaga kayanin kapag isang beses pang maganap ang pangyayaring nanakit sakin ng sobra. Mas mabuti pa nga kung sinaksak nalang ako.
At labis akong nagpapasalamat dahil binigyan nya ako ng isa pang pagkakataon na patunayan ang pagmamahal ko sa kanya.
----------------------------------------------
Guys pasensya na talaga kung medyo naiiklian at nabibitin kayo sa mga nakaraang chapter.
Tinatamad kasi ako na mag-isip ng mga ilalagay ko dito kaya sorry...
Anyways thanks for reading this story of mine.
Dont forget to VOTE:-)

BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Teen FictionDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.