Fiesta ngayon kina Venus. Ako at ang buong tropa ay niyaya nya sa bahay nila.
Nung una, muntik pa kaming maligaw. Hindi kasi kami familiar sa lugar, bumaba lang kami sa terminal tapos nagpasundo nalang sa ibang tropa na nauna tsaka alam yung bahay nina Venus.
Medyo malapit lang pala yung bahay sa binabaan ko. Pagkatapos nun ay nagkwentuhan lang kami saglit at kumain na kami.
Mabait yung mga magulang nya. Actuallu, nakikipag tawanan pa nga samin habang kumakain. Pinakilala nya ako sa kanyang mga magulang at mukhang ok lang naman ako para sa kanila. Ang saya ko ngayong nakilala ko na ang pamilya ni Venus. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, ipapakilala ko naman sya sa pamilya ko.
Nakakita ng board game sina Venus kaya lumabas sila para maglaro. Ako lang, mga kapitad at magulang ni Venus ang natira sa loob.
"Salamat sa pagbabantay mo sa anak namin," sabi ng mama nya.
"Ok lang po yon tita, masaya po akong gawin yon," sagot ko.
"Alam namin na mahal mo si Venus at mahal ka din nya," sabi naman ni tito.
"Salamat po," sabi ko.
"Tiwala kaming babantayan mo si Venus sa pabalik nyo sa school."
Tapos lumabas kami para sumali sa paglalaro nina Venus. Habang naglalaro, may tinanong sakin si Venus.
"Musta naman ang pag-uusap nyo nina mother?"
"Masaya," sagot ko.
"Anong sinabi nila sayo?" tanong nya ulit.
"Wala, sa kanila mo nalang tanungin," sagot ko.
"Ang daya."
Tapos tinuloy namin ang paglalaro. Tapos tinawagan nya yung kaibigan nya para samahan kaming mag gala. Medyo malayo yung ponuntahan namin pero ayos lang kasi nakasakay naman kami sa tricycle.
Mga 5:30 na nang makabalik kami sa bahay. Sobrang lakas pa ng ulan kaya hindi kami pinayagan umuwi at pumayag nalang na doon kami magpalipas ng gabi.
Habang kumakain ulit kami ng meryenda, ipinaangat ko ang platito ni Venus at may nakita sya doon. Kinuha nya at isa itong singsing. Tumingin sakin si Venus at napatawa sina tito.
Balak ko ito kanina pa. Ipinagpaalam ko muna kina tito kung ok lang at pumayag sila. Ngumiti sakin si Venus at kinuha ko yung singsing. Isinuot ko ito kay Venus.
"Thanks," sabi nya.
Tapos bumalik na kami sa pagkain. Ang saya saya ko dahil tinanggap nya ang regalo kong singsing para sa kanya, at tinanggap nya ito sa harap ng kanyang pamilya.
Lumabas kami para manuod ng program sa gym. Hinwakan ko ang kamay nya at hinigpitan nya ang hawak. Naglakad kami at ang mga taong nadadaanan ay nakatingin samin.
"Wag mong pansinin. Inggit lang sila."
-----------------------------------------------------
Hry guys, thanks sa pagbabasa...:-D
BINABASA MO ANG
Bakit Bawal ang Alien sa VENUS
Teen FictionDito malalaman kung bakit walang alien na tumitira sa venus.