Kabanata 4

25 10 0
                                        




Kabanata 4

Ppalala ng palala ang kalagayan ni tatay na naging dahilan ng pag ka admit na niya sa ospital. Naghanap ako ng trabaho at mabuti nalang tutulungan ako ni Cloud dahil may kakilala daw siya na may ari ng coffee shop. Itatanong niya kung pwede ba daw ako maging cashier doon.

Ilang beses rin ako pinuntahan ni Irene kasama si Cloud tuwing bibili sila ng Balut pero hindi na katulad ng dati na araw araw silang bumibili kaya tuwing Tuesday ay yun lang araw na sila'y napapadalaw saakin.

Napagisip isip ko rin na pag mag tratrabaho na ako sa coffee shop titigilan ko na rin muna mag benta ng balut dahil hahanap na rin ako ng trabaho sa gabi na mas malaki ang kita.

Gabi ngayon at naghihintay lang ako matapos ang pag luto ng balut. Nakaupo ako sa mga buhangin habang hawak hawak ko ang libro na ibinigay saakin ni Cloud. Nabasa ko na rin ang libro. Nakakaungkot ang pangyayari.

Nahanap nila ang pagmamahal sa isa't isa, pero isang iglap ay nawala rin. Huminga ako ng malalim at napaisip, life is short and memories stays for a lifetime. Humiga ako at napatingin sa mga bituin, alam ko naman na pag subok lang ang nangyayari saamin. Hindi kami mag papatalo!

Pumikit ako at muli kong ginawa ang aking ritual sa pakikinig sa tunog ng alon pero hindi rin nag tagal ang aking katahimikan dahil may narinig akong mga hakbang papalapit saakin. Pag kamulat ko ng aking mata ay tumambad sakin ang isang pamilyar na mukha, nakatitig ako sa itim na itim niyang mga mata, buhok niya'y magulo tila kakagising lang, yung mga labi niya maganda sa pagka kurba at ito ay mapupula.

Nanlaki ang mata ko nang narealize ko na si Iseyah ang lalakeng nasa harap ko. Nakita ko siyang ngumisi at tumayo ng matuwid. Sa pagkakataong iyon napaupo ako galing sa aking pagkahiga at humarap sakanya.

"Ano kailangan mo dito?" tanong ko sakanya habang tinitignan siyang may iginuguhit sa buhangin gamit ang kanyang sapatos.

"Ikaw ang may kailangan saakin.. Lily." Napaisip naman ako bigla sa sinabi niya. Ako may kailangan sakanya? Ha? Nahihibang na ba siya?

"Ako? Ano kailangan ko sayo?" matapang ko nasabi sakanya. Nakita ko naman na umigting ang kanyang panga at itinigil niya ang pag guguhit sa buhangin sabay tingin saakin.

"You do want to work at the coffee shop, right?"

Nanlaki ang mga mata ko. Si Iseyah ba ang sinasabi ni Cloud na kaibigan niya na may ari ng coffee shop? Hala! Ang yaman pala ng Iseyah na 'to!

"Ikaw yung kaibigan ni Cloud? Kaya ba alam mo ang bahay ko?" sunod sunod kong tanong na naging dahilan sa pag tawa niya. Bglang bumilis ang tibok ng puso ko sa nasilayan kong mga ngiti sa kanyang mukha.

"Yes and yes, I asked him for your address." Sagot niya saakin pagkatapos niyang tumawa.

Tumango naman ako pero ano kailangan niya saakin ngayon? "Uhm. Bakit po kayo nandito?" Tanong ko sakanya.

Inayos niya ang kanyang pagkatindig at inilagay niya ang kamay niya sa isang bulsa. "Kasama ko si Cloud tomorrow. I need you to be at the coffee shop 9 am sharp aslo bring your resume."

Yun lang ba ang sasabihin niya kaya andito siya at mineet niya talaga ako personally?

"That's all I have to say." Sabi ni Iseyah saakin, agad akong tumayo para mag pasalamat sakanya pero namali ang aking pag tayo. Napalingon naman saakin si Iseyah at agad niya akong sinalo gamit ang kanyang braso. Napapikit ako dahil akala ko mahuhulog ako. Nakahawak siya sa aking waist para supportahan ang aking bigat para di ako mahulog.

Inayos ko kaagad ang aking pag katayo at tumingin sa baba, hiyang hiya ako sa nangyari pero agad ko rin binuksan ang aking bibig para pasalamatan siya, "Salamat." Sabi ko sakanya.

Melting the HeartWhere stories live. Discover now