Aki POV
"Aki! Hindi ka pa ba tapos sa binabasa mong story na yan?" nakangusong tanong sa akin ng kaibigan ko na si Yna.
"Saglit na lang 'to oh?" sabi ko sa kanya saka ko pinakita ang natitirang apat na pages ng bagong mystery/thriller story na binabasa.
Tumahimik naman sya saka sinalpak ang earphone sa tainga saka tumingin sa labas ng van na aming sinasakyan.Maingay sa loob pero hindi yun naging alintana sa akin para itigil ang pagbabasa.
Siguradong bored si Yna ngayon lalo pa at hindi ko siya kinakausap dahil sa librong binabasa ko, pero wala akong magagawa. Hindi ko kayang tigilan ang pagbabasa dahil sigurado ako na hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman ang susunod na mangyayari sa binabasa ko.
Patuloy lang sa pagsabay sa kanta ang mga kaklase ko kahit hindi naman maganda ang kanilang boses na pumipiyok piyok pa.
Bakasyon na ngayon at ngayon ang araw ng usapan naming magkakaklase na magkakaroon ng simpleng bakasyon. Balak naming libutin ang buong Mendez ng magkakasama at pansamantala kaming titigil sa Cadipsa.
Isang lugar dito sa Cavite ang aming pupuntahan na ipinamana sa aming presidente na si Justine ng kanyang yumaong lolo, isang gwapong lalaki kaso bakla.
Maya maya pa ay narinig kong nagsalita si Yna sa tabi ko, siguradong tinawagan nito si Angel na nasa kabilang van para isumbong ako.
"Psh oo. Hindi niya talaga ako kinakausap kasi busy siya." pagmamaktol pa nito kaya naman napailing lang ako.
"Malapit na tayo guys ah." sabi ng aming bida bida na kaklaseng bading din na si Ray sa tabi nito ay si Dein na nagtataray ang kilay kahit may matamis itong ngiti sa labi.
Binaba ko ang librong binabasa ng mapadaan kami sa masukal na daanan. Makipot ito at maraming puno sa paligid. Aalog alog din kaming lahat sa loob ng sasakyan dahil sa liko liko at magaspang nitong kalsada.
"Yung suso ko naman Aldraine." narinig kong sabi ni Dein sa kaklase namin na mukhang taga Japan ang dating dahilan para magtawanan ang ilan sa mga kasama ko.
Pito kami dito sa van. Ako, si Yna, Dein, Ray, Aldraine, Alexandrea at Paul.
Si Yna ay nasa tabi ko at nakasalpak na muli ang earphone sa tainga matapos tawagan si Angel. Si Dein na nakahawak sa malusog niyang dibdib dahil sa pag-alog ng aming sasakyan. Si Ray na nagkukutkot ng kuko. Si Aldraine na nagdridrive at si Paul na tulog sa likod habang nakasandal sa kanya si Alexandrea na tulog din.
Apat na van ang dala ng section namin na iniambag ng apat na mayayaman naming kaklase.
Naging maayos na rin naman ang daan dikalaunan at nakita na namin ang magandang tanawin ng Mendez, sa Cavite. Medyo malamig dito dahil na rin sa malapit lang ito sa Tagaytay.
"Malapit na tayo sa Cadipsa Center." narinig kong sabi sa amin ni Aldraine.
Naguumirit naman si Dein sa hindi malamang dahilan habang si Yna ay nakangiti lang na nakatingin sa cellphone nya.
Inilipat ko ang pahina ng librong binabasa at hindi ko namalayan na nasa epilogue na pala ako.
"Ba't ang tahimik mo Aki?" tanong sa akin ni Ray.
Katulad ng aming president na si Justine, ay gwapo din ito at mukhang lalaking lalaki pero bakla. Nakakapanghinayang talaga ang kanilang mga itsura.
Pinakita ko lang sa kanya ang librong binabasa at tumango lang siya at hindi na sumagot.
Ganito ako kapag may hawak na libro, nawawala ang kadaldalan ko. Siguradong mamaya ay mabibingi na naman sila sa kaingayan ko kagaya ng pagkarindi ko sa boses ni Dein.
BINABASA MO ANG
The Master's Telephone ✓
Mistério / SuspenseSHUP UP when THE TELEPHONE RANG FOLLOW HIS COMMAND when IT STOP READY YOURSELF FOR MORE DEATHLY GAMES IF YOU WANT TO FINISH THE GAME ALIVE, KILL ONE PLAYER DREAM TO SUCCEED, BELIEVE TO YOURSELF, KILL TO SURVIVE. WARNING: C H E A T I N G I...