sixteen

2.2K 67 3
                                    

Nakatitig ako sa mansiyon ng mga Simon at kitang-kita ko ang kaalwanan at kagandahan neto magmula sa burol na kinaroroonan ko.

Kilala ang remedyos sa likas na yaman at kagandahang tinataglay lalo na sa kanilang malaparaiso at kilalang naghihimalang Enchanted River.

Isang makasaysayan at puno ng pag-ibig na kwento ang kanyang naririnig. Kasabay din ng kanyang pagtuklas sa lihim ng ilog ay ang katotohanan patungkol sa mansiyon ng mga Simon.

Habang nakatanaw sa napakatayog na mansiyon ay di maiwasan ni lora na ilibot at titigan ang kabuuan ng paligid neto.

Hindi dapat siya nakinig sa sinabi ng daddy niya. Dapat ay nagpapahinga siya ngayon. Tamad na tamad pa naman siya kaso naisip niyang hindi matatapos ang kanyang misyon kong hindi niya sisimulang kumilos kaya ngayon ay nasa remedyos siya at iniisip ang iba pang hakbang na gagawin.

Tinawagan niya na ang senyora at nakahanda na ang kwartong kanyang gagamitin sa pananatili sa mansiyon.

"Are you sure you wanted to talk to sev, lora?" nahimigan pa niya sa boses ng senyora ang pag-aalala at pagdadalawang isip. Because the last time she was staying in the mansion ay halos wala siyang itinulog. Iyon ang naging una at huling beses niyang pagtuntong ng remedyos at iniiwasan niya nang bumalik ulit kahit anong imbita ng senyora ermita.

Determinado talaga siya kaya kahit alam netong takot siya sa multo ay wala etong sinabing iba pa at hinayaan siya sa gustong mangyari. Kaya ngayong nasa ituktok siya ng burol at makikita ang pinakakilalang mansiyon sa buong remedyos ay hindi niya maiwasang kabahan. Kakaiba ang dating ng mansiyon. Pakiramdam niya ay may kakaibang pwersa etong ibinibigay at ipinaparamdam. 

Kahit maaliwalas ang hangin at napakaganda ng paligid ay nilalamig si lora. Iba talaga kapag tinititigan ang mansiyon na para bang may nakatingin din sa iyo pabalik. Bigla ay isang malakas na hangin ang humampas sa mukha ni lora. Nanayo ang kanyang balahibo. Para bagang tinatawag siya ng mansiyon at kailangan niyang humakbang at pumasok. 

Wala sa sariling inihakbang niya ang kanyang paa pababa ng burol. Hindi alintana ang init ng sikat ng araw na may kasamang malamig na dapyong hangin. 

Ilang minuto ay huminto siya sa mismong harap ng mansiyon na may double doors. Ni hindi siya sinita ng gwardya o ni hinarangan man lang. Tinignan lamang siya neto at nginitian saka tinanguan. 

"ingat kayo maam" ang narinig niya lamang dito.

Unti-unti ay inihakbang ni lora ang paa paakyat sa napaka grandyosong mansiyon. 

Huminga siya ng malalim. Ang lakas lakas ng pagkabog ng kanyang puso. Nang nasa pintuan na siya ay bigla siyang napapasok na para bang may tumulak sa kanya. 

Isang tawa ang kanyang narinig.

"Maligayang pagbabalik sa aking munting tahanan, mia bella." Pakiramdam ni lora na thunderstruck ang puso niya.

Noon, hindi niya mapaniwalaan na kinakausap siya ng senyor sev. Hinanap niya pa kong saan nanggaling ang boses sa isip niya kaso nanayo lamang ang balahibo niya nang tawanan siya ni aviona at sabihang,

"You're the last person he's been waiting huh" isang creepy smile ang binigay neto sa kanya.

"Senyor sev always talks to the woman he chooses for his grandsons. He lives here inside the mansiyon. Hindi mo talaga siya makikita. He is already a soul. Kaya-"

Nanginig siya noon at nangatog ang tuhod. Pakiramdam niya magkukulaps siya. Nakakatakot kasi. Ikaw kaya kausapin ng isang multo! Matapang siya sa pagharap sa kamatayan pero kapag multo na ay siya niyang kinatatakutan. Walang-wala ang kasabihang sinasabi na mas matakot ka sa buhay kesa sa patay. At least alam mo kong sino ang kalaban mo kapag buhay. E ang patay, mumultuhin ka, babangungutin kapa. Buti nga at wala siyang third eye kasi hinding hindi niya na talaga kakayanin.

Photographed ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon