COACH NG BUHAY KO
PART 1
By: Marky Espejo
Flight QR 359 BOUND TO MANILA,
PLEASE PROCEED TO GATE 3 FOR
BOARDING! Sa wakas dumating narin
ang takdang oras upang lisanin ang
bansang QATAR, nagpaalipin dito ng
halos 6-na taon sa disyertong lugar na
ito at nagpasyang hindi na muling
babalik pa..
Magkahalong kaba, lungkot at
excitement ang aking nadarama sa mga
sandaling iyon. KABA dahil sa pag-uwi ko
sa bansang Pilipinas panibagong hamon
na naman ang aking haharapin.
LUNGKOT sapagkat babalik nanaman ang
mga malulungkot na ala-ala sa’kin na
siyang dahilan ng aking pag-alis sa
Pinas..at maiiwan ko din ang aking mga
kasamahan at kaibigan sa trabaho na
itinuring ko narin na pamilya. Excited
sapagkat makikita ko na muli sila Nanay
at Tatay..
Ako nga pala si MARKY ESPEJO “MAC” .
29 years old. OFW, single and still
available in the market. Hehe, 2:15 PM
ang estimated time of arrival namin sa
NAIA TERMINAL 1, Gusto i-surprise ang
mga magulang sa pag-uwi ko, ang buong
akala nila ay next month pa talaga ako
uuwi..
At exactly 2:10 PM nag touch down na
ang eroplano na aming sinakyan,
nakahinga ako ng maluwag at
nagpasalamat dahil naging safe ang
byahe namin. Ngunit kanina ko pa
napapansin ang mga kababayan na
katabi ko sa upuan kanina pa sila
nakagayak . Si kuya na nasa kaliwang
bahagi ko ay parang bida sa action
movie dahil sa suot nitong makapal na
leather jacket,at isinuot ang mala-
kadenang kwentas na ginto. Sa bandang
gitnang bahagi ng eroplano ay mga
babaeng di magkamaliw sa paglalagay ng
kung anu-anung kulay sa kanilang mukha
at mata.
Ganun sila ka-excited makita ang Pinas
at ang kanilang pamilya. Parang may
kumurot sa parte ng dibdib ko ng bigla
ko maalala ang aking girlfriend 6 na taon
narin ang nakakalipas ngunit nandito
parin ang bigat sa aking dibdib, nasawi
siya sa isang car accident, na-isugod pa