MIKA's POV
"Wahhhhhhhhhh. Nakita ko ang Prince Charming ko. Buti nalang pala at nag-mall tayo," Nagtititili pa siya habang kausap niya ko.
"Ano bang itsura ko? Ha? baka naman kasi mamaya nakita niya ko tapos haggard yung peslak ko.. Malakas pa namang maka-turn off yun, diba? Huhu, pano nalang kung napaka sama pala ng itsura ko? Ano nalang gagawin ko?" sabay tingin sakin nung bestfriend ko hindi parin ako makakibo.
"Huyy. Mika? Hello? Kristine to Mika. Over." Sabay pitik ng mga daliri sa harap ng mukha ko.
"Ano kaba. Hindi naman masama ang itsura mo. Napaka ganda mo kaya at bulag nalang siya kung di ka niya napansin kanina noh." sabi ko sakanya.. oo totoo namang napaka ganda niya, at isa siya sa mga babaeng sikat sa University na pinagaaralan namin. di ko nga alam kung bakit ako pa ang napili niya na maging kaibigan, samantalang isa lang naman akong freak, nerd at nobody.
"Talaga? Tingin mo? Buti nalang talaga at ikaw ang naging bestfriend ko." Sabay yakap niya sakin. "At eto na nga, bestfie tingin mo ba dapat na kong magtapat sakanya?" tanong niya pa.
"Ha???.. ah-ehhh bestfie, diba dapat siya ang magtapat sayo kasi siya ang lalaki??"
"Oo nga noh. hehehe pano ko kaya siya mapagtatapat sakin?" tanong niya sabay tingin sa wrist watch niya. "Naku bestfie kailangan ko ng umuwi. Ngayon ang uwi ni kuya Klifford. Okay lang ba na mauna na ko?"
"Ah Oo sige. May pinabibili pa kasi sakin si mama tapos kelangan ko pang dumaan sa Ophthalmologist ko.. Kamusta mo nalang ako kay kuya Klifford."
"Ahaha lagot ka tinawag mo nanaman siyang kuya.. Osige na,, bye." At tumayo na siya
"Ingat sa pag-uwi."
Iyon si Kristine Daez. Siya ang nag-iisa kong kaibigan at bestfriend(Bestfie).
Ako naman si Mika delos Santos, 19 years old, 4th year college, BS HRM sa Lincoln University. Graduating na ko 4th year nga diba. -___- hindi mayaman ang magulang ko, may kaya lang kami sapat ng makakain limang beses sa isang araw,, kasama na yung meryenda dun ha kaya lima.
Nakaalis na si Kristine kaya ako nalang mag-isa dito sa mall –I mean maraming tao dito sa mall pero eto ko at kadate ang sarili ko– sanay na naman akong mag-isa lagi eh, loner kasi ko dati nung hindi ko pa nakikilala si Kristine. Siya lang kasi ang bukod tanging nakipagkaibigan sakin. Maganda na mabait pa, Idol ko nga siya eh kasi hindi siya tulad nung iba na maganda nga pero ang sama naman ng ugali.
Napadaan ako sa isang book store, wow ang dami na namang bagong libro at pocketbook na galing sa wattpad.. Hindi niyo naitatanong pero napaka hilig kong magbasa ng tulad nito, sa sobrang pagkaadik ko sa pagbabasa ng wattpad eh may sarili akong account at application sa phone, tab at laptop ko. At kung may pagkakataon eh bumibili ko ng naipa-published na kwento mula sa wattpad.
Nakakatuwa kasi yung mga kwento sa wattpad, may mga kwentong hango mula sa totoong buhay at kwentong likha ng matatabang utak ng mga writer..
BINABASA MO ANG
She's In Love With Mr. Sungit (ONE SHOT)
Teen FictionPano kung makita mo na yung destiny mo pero gusto kang pahirapan. Tapos natatakot ka dahil feeling mo mapapatay ka niya dahil sa nagawa mong kasalanan? Anong gagawin mo? Ahahahaha Biro lang, kasi ang hindi mo alam mahal na mahal ka ng DESTINY MO!!! ...