Bata pa lang ako ng mayroon na akong deperinsya sa mata,nag simula ito noong 3years old ako dahil sa subrang taas ng lagnat.
Lage nalang akong pinagtatawanan at pinagkakatuwaan ng mga tao sa school,sa mga tambay sa kanto at sa mga taga kapit bahay namin. Nasasaktan man ako sa mga tukso nila ay binabaliwala ko na lamang.
---------
Naglalakad ako ngayun patungo sa tambayan namin ng mga kaibigan ko may usapan kasi kami na dun ko sila hihintayin dahil sabay-sabay kaming uuwi. Napadaan ako sa tatlong lalaking ka schoolmate ko na tumatambay sa may gate ng school namin,kaya lang..
"oyyy.. mga pare tignan niyo papunta dito yung babaing may apat na paningin.. hahaha.
"Hahaha.oo nga pare,haha grabe ang duling niya talaga subra.
"Hooy,wag kayo mInga mga pre malapit na siya saatin baka marinig tayu ni duling.. hahahaha'
"Duling,duling,duling.. hahaha"
Sabay tawa nung tatlo, wag daw maingay e halos nga ipag sigawan nila yung mga pinagsasabi nila tungkot sakin, dahil sa subrang lakas ng boses nila. Ng malapit na ako sa kanila naisipan kung kausapin yung tatlo.
"Hoy mga kolokoy,mag chichismisan nanga lang kayo tungkol saakin e pinaparinig nyupa sa pandinig ko,subra naman kayo di siya masyadong halata na ako talaga pinag-uusapan niyo anu! Kahit ganito naman ako e di naman ako nagbibigay sakit sa ulo ng mga magulang ko. Di kagaya niyo mukha ngang mga perpekto,sakit naman sa ulo ng mga guro at magulang niyo dahil sa bagsak na grades na nakukuha niyo, mangmang na mga nagmumukha pa kayung walang kwenta!"-lakas loob na sinabi ko sa kanila,akala ko okey yung speach ko kasu mukhang nagalit ko ata yung mga kulokoy!. Kaya...
"Anong sabi mo?kami mangmang?mga walang kwenta!?"-sigaw nung isa na matangkad at may malaking katawan. Naku naman lagot ako dito ,kaya bagu pa sila makalapit e tumakbo na ako .
"H-hoy, duling bumalik ka dito. Hoy,bwisit lagut ka samin pag nagkatagpo uli tayu,maduduling ka lalo.!"- sigaw ni matangkad kaya mas tumakbo pa ako ng malakas. Hingal na hingal ako ng makarating sa tambayan.
"Hoy kylien, anong nangyari sayo?"- takang tanong ni Jessa sakin.habang masugid na pinagmamasdan niya yung itsura ko.
"Ah, eh, t-tumakbo kasi ako ng m-mabilis, b-baka kasi mahabul ako nung mga k-kolokoy na nagchichismisan,at pinagtatawanan ako sa m-may g-gate, sinagut ko kasi sila.kaya ayun nagalit"-hingal na hingal na sagot ko kay jessa. Isa nga pala siya sa bestfriend ko.
"Huh!at sino namang mga kolokoy yung pinagtatawanan ka, dali dalhin mo ako sa kanila ng makita nila yung hinahanap nila."
"A-ano? H-hindi na bestfriend. Wag na hayaan mo na sila, okey na naman din ako."
"No , di pwede yun, di yun okey saakin. Di okey yung pinagtatawanan ka nila. Halika samahan mo na ako ng mabalatan ko na ng buhay yung mga kolokoy na sinasabi mo. Dali na."-sabay hila niya saakin.
"Wag na sabi, bestfriend naman dito na tayu di na tayu pupunta dun please , kumalma kana please..."-awat ko na sa nag aalburoto kong bestfriend. Yan yung gusto ko sa mga bestfriend ko kahit ganito akong may kapansanan binibigyan nila ako ng halaga. Kaya subrang mahal ko mga bestfriend ko. Buti nalang tumahimik na si Jessa,Mayamaya.
"Subrang tagal ata ni Bryan, san naba yun nababagut na ako."-bagut na sabi ni jessa
"Oo nga e, halos 30minutes na tayo naghihintay dito e wala pa rin siya."