"Sorry talaga *sniff* kailangan ko ng umalis" saad ng umiiyak na bata,
"iiwan mo na ko? sabi mo mahal mo ko?" sabi naman ng isa pang bata,
nasa isang garden sila ng library sa kanilang lugar, tago lamang ang garden na un kaya sila lang dalawa ang may alam nito, madalas silang mag kasama sa lugar na iyon
"Mahal, pero magagalit si Daddy kapag hindi ako sumunod sakanya" Saad ng batang lalaki
"Oh sige, iintindihin ko nalang" umiiyak na sabi ng batang babae, nasa edad 6 na taon ito
"Bago ako umalis, suotin mo ito at wag mo kong kalilimutan" may isinuot ang batang lalaki sa batang babae na isang kwintas na hugis ng kalahating puso
"bakit kalahati?" nagtatakang tanong ng bata
"Kasi nasaakin ang isa, nakaukit dito ang pangalan mo" sabi ng lalaki at isinuot ang kanya, nasa edad 7 na ito,
'Tantan'
bigkas ng batang babae sa nakaukit na pangalan ng lalaki
'yanyan'
sambit naman ng lalaki, nag kayakapan sila at nag iyakan
"pangako, hahanapin kita yanyan!" tuluyan ng umiyak ang dalawa dahil aalis na nga ito
"pangako din, hihintayin kita" naiyak na sila ng sobra ng tawagin ang batang lalaki
"Halika na iho, anjan na ang Daddy mo!" sigaw ng yaya ng batang lalaki
"Bye Yanyan" at nagbitaw na silang dalawa
"tantan! *sob*" hindi na binalak ng batang lalaking lumingon, dahil baka mag dalawang isip sya ng balikan ito
"paalam" bulong na sabi ng batang babae,
BINABASA MO ANG
The Hot Prince And The Cold Princess [Complete]
RomanceHello ツ No Description, :D sorry dahil tamad:DD