06-TRANSFEREE

274 17 3
                                    


Y/N'S POV

Maaga ako ngayon pumasok sa School, dahil di pa nga kami okay ni Oppa, ayoko muna siyang makita.

Nabobored na ako dito sa room wala pa kasi yung teacher namin sa first period saka ang iingay ng mga kaklase ko, nag-earphone nalang ako.

After few minutes....

"Goodmorning class!"

Tumayo kaming lahat para batiin si maam,"Goodmorning too maam!"

"Ok, take your seat dahil may sasabihin ako"

Pagkaupo, napatingin kami sa pintuan ng room nang may lalaking tumayo doon, medyo nahihiya pa siyang pumasok, "Please come in." sabi ni maam at sinenyasan siyang pumasok.

Pumasok siya at pumunta sa harapan, narinig kong nagbubulungan mga kaklase ko. May itsura naman ito, maputi, chubby at saka singkit parang si Jimin.

"May bago kayong kaklase.." hindi pa tapos si maam bigla namang umepal kaklase ko,

"Sino po maam?"

"Ayan oh, ayan oh," tinuturo turo pa ni maam yung bagong estudyante "Hindi makapaghintay? Atat na atat lang ang peg?" inis na inis na sabi ni maam sa kaklase ko. Nagtawanan kami sa itsura ni maam.

"Ah ok po" sabi pa ng kaklase ko kaya may lalo kaming nagtawanan.

"Stop!" sigaw ni maam samin saka binaling ang atensyon sa lalaki, "Okay  Mr. Introduce yourself."

"Ah-sige po, Annyeong Im Kwon Soonyoung! 。^‿^。Transferee ako, dont worry mabait po ako, thank you"

"Ok class treat him nice, Mr. Kwon take your seat now" sabi ni maam saka binuksan yung dala niyang libro na nakalapag sa mesa.
Tumango naman si Soonyoung saka humanap ng maupuan pero parang wala yata siyang makitang available na upuan kaya bumalik siya kay maam.

"Yes? Mr. Kwon may problema ba?"maam

"Opo maam"-Soonyoung

"Anong problema?"-maam

"Wala na pong upuan"-Soonyoung

Nagtaka naman si maam sabay nagtaas ng kilay saka tumingin sa amin at tumigil yung tingin niya sakin. Anong ibig sabihin nito? Uutusan pa ata akong kumuha ng upuan..Ba't ako talaga?..

"Meron pa nga"

Hay, salamat naman buti nalang talaga meron pa, bulag ata tong tao na toh o di kaya sa sobrang singkit niya hindi na niya nakita.

"Saan maam?" takang tanong ni Soonyoung

"Dun sa tabi ni Y/n" nagulat ako sa sinabi ni maam saka tumingin sa magkabilang side ko, nakalimutan ko wala palang nakaupo sa right side ko kaya nilagay ko bag ko dun, akala siguro ni Soonyoung may nakaupo na dito kaya wala siyang makitang upuan.

Tumingin silang lahat kay Soonyoung na papunta sa gawi ko para umupo, kaya agad kong kinuha bag ko sa kabilang upuan, nakakainis nga sumabit pa talaga yung strap kaya hinila hila ko pa. Pagkatapos, walang anu ano'y umupo si Soonyoung sa tabi ko, hindi ko siya pinansin binaling ko na lang atensyon ko sa harap.


***

Lunch break ngayon, habang inaayos ang mga gamit ko, biglang tumunog cellphone ko,

From: Ji-mini
Goodafternoon Y/n-ah~
Nandito na kame sa
Cafeteria, punta ka na
dito libre kita.(^-^)♡

Go Along With ThemWhere stories live. Discover now