Prologue

2.5K 83 9
                                    

"Anak ng tipaklong naman, oh!" singhal ni Andrew sa kawalan, kasabay nang malakas niyang paghampas sa pinto gamit ang dalawa nitong kamay. "Buksan niyo 'to, ano ba!"

Samantala ay tamad naman akong naupo sa isang single sofa, bago ito maiging pinagmasdan. Kanina pang hapon ako nagsimulang uminom, kaya wala na ako sa tamang huwisyo para makapalag pa kanina nang hilain kami papasok sa kwartong ito.

Ang pangit ng idea na magkakasama kami ni Drew sa iisang kwarto. Honestly, hindi ko naman gusto ngunit hinayaan ko na lang din na mangyari. Besides kailangan din talaga naming mag-usap ni Drew.

Sa nagdaang araw ay naging malupit siya sa akin. Iyong tipong wala naman akong ginagawa ay siya namang sungit nito, masyado siyang marahas pagdating sa akin. Kung hindi ko lang din napatunayan na lalaki nga siyang tunay ay baka noon ko pa ito napagkamalang bakla.

Mapait akong napangiti bago isinandal ang likod sa sofa. Wala sa sarili nang mapabuntong hininga ako. Sa paninitig pa kay Drew ay natanto ko kung gaano kalaki ang ipinagbago niya sa nagdaang taon. Ibang-iba na siya sa unang lalaki na nakilala ko— na minahal ko.

Hindi lang sa kung ano na ang nakamit niya sa buhay, maging sa pananamit niya at sa mga kilos niya. Sa madaling salita, nag-level up ang isang probinsyano. But he's still the Andrew Evangelista that I once knew.

"Hindi ka pa ba pagod diyan?" maang kong pagtatanong sa kaniya dahil literal na ako ang nasasaktan sa mga kamao niya, naaawa rin ako sa lalamunan niya at baka magasgasan sa kasisigaw niya.

Sa sinabi ko ay marahas siyang napalingon sa akin, kaya roon ko nakita ang hindi maipintang mukha niya. Actually, iyong galit na ipinapakita sa akin ni Andrew ay totoo at hindi lang basta galit o simpleng pagkainis.

It's more than that. Iyong galit niya sa akin ay hindi mapapatawaran. Walang katumbas at hindi nauubos. Well, deserve ko naman din. After all the things I've done to him, hindi niya rin ako deserve. Hindi niya deserve iyong iniwan kong sakit sa kaniya.

And he deserve someone else. Hindi ko sinasabing si Jinky iyon, kasi hindi ko matanggap. Parang ayaw tanggapin ng isip ko na sarili ko pang kaibigan, gayong napakarami namang babae sa mundo.

But I suddenly realize how much effort he's putting to her. Iyong mga panunuyo at pagiging sweet niya ngayon kay Jinky ay minsan na rin niyang ipinaramdam sa akin— minsan— na mukhang hindi na rin mauulit pa kahit kailan.

"Bakit? I am not like you, Elsa, iyong madaling mapagod. Ako kasi? Ipinaglalaban ko hangga't kaya ko. Ikaw ba?" balik tanong niya dahilan para hindi ako makapagsalita.

Tinitigan ko lang siya, pilit ding iniisip kung anong pwede kong sabihin. Pagak siyang natawa, kalaunan nang tumigil din siya sa ginagawa niya at saka ibinigay sa akin ang buong atensyon niya. Nang hindi siya matuwa ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pwesto ko.

Huminto lang nang nasa harapan ko na ito. May tamang espasyo sa gitna namin. Nakaharang din ang isang round table sa pagitan namin. Tiningala ko siya, pero ganoon na lamang din ako magsisi nang matanaw ko ang galit na galit niyang mukha.

"You're acting like you haven't done anything wrong, as if you never left me dumbfounded. Remember what happened ten years ago," matigas niyang pahayag.

This is not only about us— this is about our failed relationship.

Nagbaba ako ng tingin sa pagkadismaya. Siya naman ay mas piniling maupo sa single sofa na nasa harapan ko lang din. Hindi na ako nagtangka pang tingnan siya, bagkus ay nananatili akong nakatulala sa artificial flower na nasa table.

"Kung hindi mo na maalala o nawalan ka na ng kapal ng mukha para alalahanin pa iyon ay hayaan mong ako ang magpaalala sa 'yo," dugtong nito nang wala akong maging imik sa ilang minutong nagdaan. "Ten years ago, we're almost perfect couple. No third parties, no stress and problem. We're both legal, matured to think and to decide. Sabi nga nila, kasal na lang ang kulang."

Love At Second Night [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon