Pagbaba ko sa hagdan dumiretso ako sa dining area nakita ko dun na humihigop nang kape yung kuya kong masungit, bihis na bihis siya san na naman kaya to pupunta, umupo ako dun at nginitian siya pero inarapan lang ako ng luko, lumapit sakin si Manang Fe yung matandang katulong namin sabi sakin ni kuya matagal na daw siya dito simula palang ng bata siya, nilapag niya yung agahan ko at sobrang nagutom ako sa amoy ng fried rice.
"Goodmorning Gabby, kain ka na nak habang mainit pa yung breakfast mo pagtimpla kita ng kape gusto mo?" Anak na rin tawag niya samin dahil sa tagal na nga niya dito si kuya Nanay tawag niya dito pero di pa ko sanay sabi niya nga sakin namimiss na daw niya tawagin ko siya nang ganun.
"Goodmorning din po Manan- Nanay Fe, sige po salamat" siguro kelangan ko na din magsanay baka nga sakali kahit siya maalala ko. Napangiti naman siya ng sobrang lawak dahil sa narinig niyang pagtawag ko
"Bakit di ka pa nakabihis aalis na tayo" bigla bigla nalang siya nagsasalita at ano daw aalis kami saan man kami pupunta?
"Ha? Aalis? San tayo pupunta?" takang tanung ko sa kanya at napansin kong napabuntong hininga siya
"May amnesia ka talaga, nalimutan mo na ba may schedule kang check up ngayon kay Doc Mansalapuz" nagulat ako sa sinabi niya ou nga pala nawala sa isip ko haist pati ba naman yun nakalimutan ko na.
Hindi na ko sumagot minadali ko nalang pagkain ko tapos bumalik sa kwarto para maligo at magbihis. Nang matapos at makapagbihis ako bumaba na ko sa sala nakita ko ulit dun si kuya Raffy at nakabusangot na naman ang mukha at nakakunot ang noo. Hulaan ko bibilang ako ng tatlo at sasabog na naman pagka masungit niyan...
Isa
.
.
.
Dalawa
.
.
.
Tat-"Bakit ba napakabagal mo kumilos kanina pa ko nagaantay sayo diba sabi ko bilisan mo lang nakakahiya kay doc kung malalate tayo" see??? sabi sa inyo ay magsusungit na naman yan.
"Pwede ba bawas bawasan mo yang pagsusungit mo, ito na ako oh ginawa ko na nga lahat para magmadali ang OA-OA mo talaga kahit kelan" mataray kung sagot.
Hindi na siya sumagot pa lumabas na siya at sumunod na rin ako baka kung ano na naman masabi nito, nireregla na naman ata.
Sa buong byahe wala kaming imikan bago kasi sumakay pinairal na naman kasungitan, sa backseat kasi ako sumakay ng kotse niya kasi ayaw ko nga siya makatabi pero nagalit pinapalipat ako sa katabi niya kasi ayaw daw niyang magmukha ko siyang driver pero di ako pumayag pagka arte-arte talaga niya kahit kelan. Wala na rin siyang nagawa kasi sinungitan ko na din siya.
Nang makarating kami sa hospital dumiretso kami sa office ni Doc. Manzalapus.
"Goodmorning po Doc. pasensya na po if we're few minutes late" sambit niya habang nakikipag kamay kay doc
"Goodmorning rin Mr. Lacorte, its ok wala naman ako iba schedule ngayon, oh Gabby kumusta ka? maupo kayo" nag hi lang ako sa kanya at tinapunan siya ng pagkaluwang luwang na ngiti
"So how was your recovery? May naaalala ka na ba kahit konti?" tanung niya sakin
" Sa totoo lang doc wala pa po talaga, pero minsan may mga napapanaginipan po ako nasa ibang mga lugar ako tapos may mga naririnig akong mga boses sa panaginip ko pero hindi po malinaw sakin lahat, ahm alam ko pong panaginip lang yun pero may possibilities po ba na kasama yun sa mga past memories ko?"
" Good thing to know that Gabby, yes its possible kasi karamihan naman sa mga panaginip natin minsan yung pangyayari din sa araw araw na pamumuhay natin, yung mga simpleng bagay nasasagi din sa panaginip natin, siguro you need more time for you to finally remember all your memories just like what i told you we can't forced you para maalala all the things about you unti-unti para di mahirap sayo na mag sink in lahat"
BINABASA MO ANG
Remember: Who Are You?
Random- Napakahalaga ng nakaraan, mula sa simula, kahapon hanggang sa pangyayari sa kasalukuyan dahil ito ang kukumpleto sa guhit ng ating kwento, sa istorya ng ating buhay. - Ngunit,paano kung di mo naaalala ang iyong nakaraan at nabubuhay ka sa nakikita...